Ginahasa ako ng sarili kong tiyuhin!

January 20, 2021

Itago niyo nal ang ako sa pangalang Mari.

Gusto ko lang i-share ‘yung kwento ko upang mag-bigay inspirasyon at aral sa inyo. Last year, 16 years old pa lang ako at walang muwang sa mundo. Pinalaki kasi kaming inosente sa mga bagay-bagay. January 2, lumuwas si Tatay sa Maynila para mag-trabaho. Kahit mahirap ay hinayaan naming gawin ang gusto niyang doon para kumita kahit sobrang layo namin sa isa’t-isa. Mindanao kami at sobrang hirap ng buhay kaya kinakailangan talagang kumayod at magpursigi. Bilang hindi ganoon kaganda ang relasyon namin ni Nanay, nagdesisyon akong sa bahay ng Tiyahin ko ako tumuloy, sa kapatid ni Tatay. Sa kubong bahay na iyon, palagi kong nasusulyapan ang pinsang-buo ni Tatay, si Tiyo Manu. Mabait siya pero sobrang tahimik, hindi gaya ng ibang lalaki na normal na ang pagiging siga lalo na sa lugar namin. Ilang ako sa kanya kahit na alam ko kung gaano siya hindi makabasag pinggan.

Isang buwan ang lumipas, wala akong komunikasyon sa aking ama dahil walang maayos na signal at telepono sa amin kaya doon nakakuha ng panahon si tadhana upang magkalapit kami ni Tiyo Manu. Doon ko nakita ang palabirong side niya. Kaya labis akong natuwa at agad na gumaan ang loob ko sa kaniya. Isang araw, nagpaalam si Tiyang Koni sa akin na luluwas ng bayan medyo malayo sa tinitirhan namin upang maglaba sa bahay ng may kaya niyang amo at sinabing gagabihin na siya ng uwi. Pumayag agad ako dahil nangako si Tiyo Manu sa kaniya na siya ang magbabantay sa akin. Bandang pahapon ay inutusan ako ni Tiyo na maghanda na para sa hapunan at may pupuntahan lang siya sandali. Hindi ako umangal at ginawa ang sinabi niya. Hanggang sa nagdilim na at hindi pa siya umuuwi. Hinintay ko siya sa hapag upang sabay kaming kumain. At alas-nueve ng gabi ay dumating siyang lasing na lasing.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni kabisyo Mari sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.