FUBU-FUBU lang daw?! | Raqi’s Secret Files
March 13, 2023
“Katawan ko lang ang habol niya.”
Hi, DJ Raqi! I’m your avid fan. Lagi akong nanonood sa YouTube ng stories mo. Hindi ko akalain na susulat din pala ako sa’yo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat ko. It is my first time to write and share. Hoping all your avid listeners, may matutunan sa story ko.
Itago mo na lang ako sa name na Shane. I’m working here sa United Kingdom as care senior, pero isa akong registered nurse sa Pinas. May asawa at tatlong anak ako. Nagmula ako sa may kayang pamilya sa pagsisikap ng mga magulang ko. Lahat kaming magkakapatid nakatapos ng kolehiyo at nasa medical field lahat. Medyo strict ang parents ko at mga nakatatandang kapatid lalo na’t bunso ako, kaya spoiled ako at medyo nasakal din sa kanila. Hindi ko maintindihan kasi batang-bata pa ako no’n. Nagrebelde ako, but in a way na nag-boyfriend ako first year high school pa lang. Almost eight years din ang aming relationship. Ayaw ng mga magulang ko dahil babaero siya. Napagod na rin akong laging patawarin siya. We broke up nu’ng fourth year college na ako. Du’n ko na-meet ang asawa ko as a rebound sa pagiging brokenhearted.
Kabataan at kapusukan namin, nabuntis ako at nagpakasal kami. No love for me, ewan ko lang sa asawa ko. Siguro, alam ng asawa kong nagsimula kami na wala akong love sa kaniya, kaya ganu’n na lang siya kahigpit sa akin. Hindi ko masasabi na sobrang ganda ko. Sabi nila, maganda ako at malakas ang sex appeal. OFW ang asawa ko. Iba lagi ang takbo ng isip niya. Ang hirap, DJ Raqi, kasi feeling niya, may iba ako at hindi tapat sa kaniya. Lagi kaming nag-aaway sa ugali niyang ’yon. Kahit naging dalawa na ang anak namin, hindi raw kaniya, kaya sobrang sakit lalo. Hindi naman ako puta. Wala naman akong iba kun’di siya. Lagi kaming away-bati, gano’n ang set-up namin.
Ilang beses na akong nakipaghiwalay, naiisip ko lang ang mga bata. Ayaw naman siyang tanggapin ng pamilya niya. Ang ayaw ko rin sa ugali ng asawa ko, tamad mag-work. Mula nang umuwi siya ng 2018, hindi na siya nag-work. Ako na lahat. Okay lang sana kung pagiging tamad lang, kaya lang, napakaseloso at nananakit siya. Hanggang 2020, pandemic, nabuntis ako sa third. Pagkaanak ko sa pangatlo, ang daming nag-open na opportunity sa akin. Isa na rito as direct hire sa U.K. Tinanggap ko na kahit mahirap kasi unang beses akong malalayo sa mga anak ko. Para sa kanila naman ang gagawin ko, para sa kinabukasan nila.
July 2022, unang lapag ko sa U.K. Takot na takot ako. Wala akong alam sa lugar, pero kinakaya ko. May kapatid at kamag-anak naman ako rito. Unang day, pasyal then on second day, um-attend kami ng birthday ng isang Pinoy. Sinama ako ng mga pinsan ko. Du’n ko na-meet si guy. Ric is his name — tall, handsome, and moreno. He is married. May anak siya na isa.
Sundan ang kuwento ni Shane dito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Biktima ako ng fake | Raqi’s Secret Files
March 23, 2023
-
Pinahiya ako, eh! | Raqi’s Secret Files
March 22, 2023
-
Kaibigan lang ba talaga? | Raqi’s Secret Files
March 21, 2023
Comments