From mag-jowa, naging friends with benefits na lang kami

April 27, 2022

OMG! Payag ‘yarn?! Raqi’s Secret Files na!
Hi DJ Raqi! Listener mo ako everyday lalo na habang nasa office.

Itago mo na lang ako sa pangalang “Ann”. First time ko mag-share ng story so pasensya na kung magulo.

It all started March 2021, I met this guy named “Per” (not his real name) through my cousin, college friends kasi sila. Birthday ‘yun ng pinsan ko, so invited si guy. Bandang 8pm na rin ako nakapunta sa bahay ng pinsan ko dahil galing akong work. Naging crush ko siya since that night ang gwapo niya kasi. Nagkakausap naman kami at medyo naging close, I don’t know kung anong tawag sa feeling pero may something eh, spark ba. Haha! Pero umuwi rin ako agad dahil may pasok pa bukas ng umaga. And after nu’n, wala na. Medyo nawala na rin sya sa isip ko.

April 2021, may naging boyfriend ako, itago na lang natin sa pangalang “Elly.” Classmate ko siya ng elementary. Matangkad, maputi, cute pero ‘di ko siya naging crush noon at medyo wala akong memories with him noong elementary bukod sa seatmates kami. Year 2020 noong nagsimula siyang magparamdam tulad ng pagco-comment at heart react sa FB stories ko. Pero 2021 na noong medyo nag-‘yung pagkabuo ng feelings.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.