“Expected ko na may ibang sasakyan na humahabol sa’min pero iba ang nakita ko.”

November 2, 2022

“Expected ko na may ibang sasakyan na humahabol sa’min pero iba ang nakita ko.”

Itago niyo ko sa pangalang “Shalom,” at ito ang aking Secret File.

Ilang years na rin ang nakaraan no’ng mangyari ito. Birthday no’n ng college friend ko at sa may Alabang kami nag-celebrate. Ayun, nagkainuman kami. No’ng bandang 1:30AM nagkayayaan nang umuwi dahil ‘yung iba may pasok pa sa trabaho. Since nakainom ako at walang dalang kotse ay nagpasundo ako sa kapatid ko. ‘Yung isang kaibigan kong may dalang sasakyan, sabi nila sumabay na raw ako, pero anim na sila ro’n for sure sobrang sikip na.

Alam kong masamang mag-drive nang nakainom pero alam ko rin na ‘di naman gano’n kalasing si Jayjay, kaya pa niyang magdrive . Hinintay muna nilang dumating ‘yung sundo ko para sabay-sabay na kaming bumiyahe since iisa lang din naman way namin.

So, ayun nga, nasa Daang Hari na kami. Sa may stop light, magkatabi lang ‘yung sasakyan nila Jayjay at ‘yung sasakyan ng kapatid ko. Ta’s no’ng nag-green na, nauuna na sila sa amin pero magkasunod pa rin kami kahit medyo malayo sila sa amin ng ilang meters. Kitang-kita namin ng kapatid ko ‘yung sasakyan nila since halos kami lang ‘yung dumadaan that time. Medyo patulog na ako sa sasakyan nang biglang magpreno ‘yung kapatid ko. May matandang lalaki na tumatawid, ang bagal niya lumakad, ang weird lang na may matanda pang gising ng gano’ng oras.

Naka-stop kami, hinihintay namin siyang makalagpas, ta’s no’ng nasa tapat na siya ng kapatid ko bigla siyang tumingin sa amin. Siguro para mag-thank you? Umandar na ulit kami pero hindi ko na matanaw sila Jayjay, siguro nauna na tuluyan kaya natulog na lang ako ulit.

Nagising ako na ‘yung kapatid ko tawag nang tawag sa akin, “Ate!  Ate!  Ate! ” Paglingon ko sa kanya, ‘yung isang kamay niya nakahawak sa rosary na nakasabit sa rearview mirror.

Sabi niya, “Kanina pa 2:30. Kanina pa ako nag-da-drive dito, dapat nakauwi na tayo sa bahay ng ganitong oras. Nasa Daang Hari pa rin tayo. Araw-araw akong dumadaan dito maliligaw pa ba ko?” Lumingon siya sa rear view mirror at bigla siyang napamura. Syempre nagulat ako so lumingon din ako sa likod. Expected ko may ibang sasakyan na humahabol sa amin pero iba nakita ko. ‘Yung matanda kanina nasa backseat!!!

Pakinggan natin ang mga susunod na mangyayari rito sa  Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.