The evil stepmom | Raqi’s Secret Files

January 24, 2023

“Evil stepmom daw ako.”

 Good day, DJ Raqi. Matagal mo na akong taga-pakinig. Itago mo nalang ako sa pangalang Lyn. I am 31 years old,5 years married sa isang single dad na may dalawang anak na babae. Habang kami, ay wala pang sariling anak.

 Nakilala ko ang asawa ko sa sementeryo ng dumalaw kami sa boy best friend ko. S’ya naman ang bestfriend ng kuya ng bestfriend ko. Mabilis ang pangyayari. Sa almost 8 months naming, nag-decide na kami na magpakasal. Kahit may dalawa s’yang anak na nasa side ng ex n’ya.

 Noon pa man, usapan na namin na kukunin n’ya ang mga anak nya at dito na sa amin titira. Isang 5 at 7 years old na mga babae ang anak ng asawa ko.

 Una palang, alam kong marami kaming bagay pa na kailangan ayusin sa mga anak n’ya. Una na rito ang buhok nila. Ang balat nila, pag u-ugali at pag aaral. ‘Yun ang mga una namin inayos sa kanila. Pagkain din sa tamang oras pagligo araw-araw at ang kanilang pag uugali dahil may mga salita na hindi dapat sinasabi. 

 Napaka stressful. Dati kasi mahilig ako sa bata, pero ‘di pa ko naka pag-alaga talaga ng as in kasama ko sa bahay araw-araw. Hindi naging madali ang lahat, dahil ang asawa ko ay isang security guard. Sa akin naiiwan talaga ang mga bata. Habang ako naman ay may tindahan sa labas ng bahay. 

Ilang araw palang ay nakapag open na sa akin ang bunso na halos 5 yrs. old lang that time. Ang nag-alaga kasi sa kanila ay ang lolo at lola ng nanay nila. Minomolestiya pala sila roon. Umpisa palang, sinubok na kami sa kung paano maaalis sa isipan nila ang mga bagay na nangyari. Pinag pasa-Diyos nalang namin ang lahat.

 Sa kasalukuyan, 5 years na sila rito. 10 at 12 years old na sila ngayon.

Si 10 years old ‘yung masasabi kong naiayos ko. Mas masunurin siya. Mas nakikinig s’ya sa’kin. S’ya ‘yung mas sa lahat. Kahit pagalitan ko s’ya, ‘di n’ya ko sisimangutan. Ayaw n’yang nagagalit ako sa kanya.

 Habang si ate na 12 years old, s’ya ‘yung mas gustong mag-explore. Sobrang mahiyain pero sa kalokohan malakas ang loob. Hindi ko na mabilang ilang beses s’yang sumagot ng pabalang sa akin. Marunong mag-sorry pero ginawa ng hobby. Paulit-ulit nalang. Nakikita ko rin ang good side n’ya pero laging gsuto yata n’ya mapansin ko talaga ang ginagawa n’ya.

 A lot of times na ko nai-istress sa kanya. Sa mga chat na nakikita namin yung mga words na “sex in life” mga pa-i love you pero hindi raw n’ya BF!

 Sa kasalukuyan, last November lang may issue kami na pinangaralan ko s’ya. Dahil Grade 6 palang s’ya hindi siya dapat nakikipag-boyfriend muna. Makakapaghintay ‘yun sa tamang panahon. Tinatanggi n’ya hindi nya raw BF pero nag i-i love you na sila sa isa’t-isa. Dinilete n’ya pa ang mga chat kaya lang that time, naka-monitor ako sa messenger nila.

Kinuha ko ang CP n’ya. Halos 5 days hindi n’ya ito nagamit. Binalik ko rin. Hindi na raw mauulit. After 2 weeks, nakita ko naman na naguusap sila with the “I love you.” Nagsawa na ako. Sinabi ko na sa papa niya.

Pinagalitan s’ya at pinaliwanagan. Plan ko na wala munang CP kasi du’n nag uumpisa ang lahat. Ayaw naman ng papa n’ya. Pagbibigyan n’ya pa raw. Hanggang sa nagtalo kami. Magkaiba kami ng gustong disiplina. Masama ang loob ko. Ako ‘yung lagi nilang kasama, ako ‘yung nag mo-monitor pati sa pagkain at kanilang pag-aaral. Kapag nalalaman o naririnig kong bastos s’ya sumagot sa papa n’ya, pinapangaralan ko s’ya kaya nagkasigawan pa kami ng papa n’ya dahil sa kanya.

After 4 days, umulit na naman. Napanaginipan daw s’ya ng boy na magkayakap sila. Sabi n’ya naman sana magkatotoo. Nag “I love you” na naman sa isa’t isa. So, siguro naman enough na ‘yun para disiplinahin. But, I was wrong.

Paanong disiplina kaya ang ginawa ni stepmom Lyn? Alamin ang susunod na mangyayari sa kuwentong ito rito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.