Duwag si mister! | Raqi’s Secret Files

January 24, 2023

“Namanhikan pero hindi pinanindigan.”

Hi DJ Raqi! Gusto ko lang sana i-share yung karanasan na dapat hindi nalang. Itago n’yo nalang ako sa pangalang Jai, 19 yrs. old na nakaranas ng pagmamahal na hindi kayang panindigan. 

1 year and 6 months yata kami nang malaman kong magkaka-baby na kami, Sobrang saya dahil magkakaroon na ng bunga ang pagmamahalan naming. Masaya at wala naman kaming problema nang malaman naming pareho ang kalagayan ko. Masaya naming pinagusapan at pinagplanuhan ang tungkol sa pagdadalang tao ko. Month of July, araw ng pagpunta nila sa bahay. Hindi kasama ang magulang nila dahil may ibang pinagka-kaabalahan. Ang dalawang ate n’ya ang kasama n’ya. Natuwa naman si mama dahil marunong s’yang humarap sa mga responsibilidad n’ya, maayos silang nakipagusap at may konting pag kukwentuhan pa. Past few weeks, nagkakaroon na s’ya ng problema sa trabaho n’ya na hindi namin inaasahan. Nakakapos dahil gusto n’ya na unahin ako.

Month of August ang last namin pagkikita DJ Raqi. May mga napagusapan kami na kailangan niyang bayaran, pero pinili n’ya na ipahatak nalang kaysa ipagpatuloy pa. Nawalan s’ya ng cellphone at hindi ko ‘yun alam kung hindi lang sa akin sinabi ng ate n’ya. Naging way of communication namin ang ate n’ya hanggang sa umabot na walang-wala na. Hindi na talaga nagparamdam kahit sa ate n’ya palagi na akong nagaalala. Hinahanap naman daw nila pero ano raw magagawa nila? Nawalan na ng magtu-tustos sa pagdadalang tao ko.

Alamin ang susunod na mangyayari sa kuwentong ito rito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.