Distansya naman, huy | Raqi’s Secret Files

February 23, 2023

“Mas matimbang ang kaibigan niya kaysa sa akin na partner niya.”

Hello, DJ Raqi! Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang A. May 2022 ay nakilala ko ang partner ko ngayon dahil sa kapatid ko. Sa loob ng tatlong buwan ay masaya kami hanggang sa September 2022, doon nagsimula kung bakit nandito ako ngayon. Nagkaroon ng isang malapit na kaibigan ang partner ko sa trabaho. After work ay lumalabas sila para kumain at kasama rin ang ibang katrabaho nila. Isang araw ay pumunta ang partner ko sa Baguio para bumisita sa mga kamag-anak nila. Nalaman ko na nandu’n din pala ang kaibigan niya. Simula noon, hindi na ako naging komportable. Sinabi ko ito sa kaniya. Nagkaayos kami, ngunit tila hindi siya nakinig. Tuloy pa rin ang kanilang paglabas after work. Dalawang beses na rin kami nagtalo. Inintindi ko sila lalo na ang partner ko dahil doon siya masaya. Kaya ngayong 2023 ay hinayaan ko sila na lumabas after work. Noong Araw ng mga Puso ay nais ko siyang puntahan at makita saglit, ngunit mas pinili niyang magpapalit ng cheke kasama ang kaibigan niya. February 17, 2023 ay nagpaalam siya na kakain sa labas, ngunit pansin ko ay tatlong oras na siyang hindi online. Nag-alala ako lalo na alam kong hindi siya okay dahil wala pa rin siyang suweldo. Nag-chat ako sa kaibigan niya. Ang sabi ay nasa apartment sila ng partner ko. Doon na ulit bumigat ang pakiramdam ko. Makalipas ng isang oras ay nag-chat na siya na nandu’n nga sila sa kanila.

Bakit hindi siya nagsabi? Inom o kuwento nga lang ba ang ginawa nila? Bakit ganun? Hindi ko na maintindihan. Araw-araw na nga silang nagkikita at magkasama sa trabaho. Hinahayaan ko na silang lumabas after work, pero bakit nag extend pa sila?

Sundan ang kuwento ni A rito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.