’Di na marupok | Raqi’s Secret Files
May 22, 2023
“Mas minabuti kong ’wag maging marupok kahit nasa harap ko na ang biyaya.”
Hi, DJ Raqi! I just wanna share my story. Sana ’wag niyo ako i-judge. I know hindi lang naman sa’kin nangyari ’yong ganitong sitwasyon, ’yong tipong parehas niyong gusto ang isa’t isa, pero bawal! Napakahirap at sobrang komplikado.
Isa akong simpleng probinsyana, babaeng malakas tumawa, malakas kumain, mabilis magtampo kahit sa simpleng bagay. Ako rin ’yong tipo ng babaeng walang arte sa katawan, babaeng magaling makisama mapa-babae man or sa lalaki at higit sa lahat, sobrang daldal. Anyway, itago niyo na lang ako sa pangalang Dina.
So, bumiyahe ako sa lugar na kung saan malayo sa probinsya namin para magtrabaho at hindi ko inasahan na sa pupuntahan ko, doon ko makikilala ’yong lalaking mahuhulog ang loob ko. Itago na lang natin siya sa pangalang Dino (katrabaho ko si Dino). By the way, we are both in a relationship ni Dino. Ang pinagkaiba lang namin, sila ng partner niya, ’di pa gaanong matagal unlike sa’kin, I have a long-term partner. We’ve been ten years together. Yes, ten years, kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakagusto pa ako sa iba. Hindi naman ako na-fall out of love sa partner ko. Mahal ko naman siya, hindi na nga lang gano’n kamahal. Hindi tulad no’ng bago pa lang kami (at some other reason). So, ayon, unang kita ko pa lang kay Dino, nagkagusto na ako sa kaniya. Sino ba namang ’di magkakagusto kay Dino? Matangkad, maputi, at higit sa lahat, mabango. ’Yong mga mata niya na parang nangungusap kapag nagkakatinginan kami, pero kahit may gusto ako sa kaniya, wala akong pinagsasabihan kahit na kanino kasi ayaw kong magkaroon ng issue between us, kasi nga parehas kaming may mga partner, at ’di ko rin inaasahang may gusto rin siya sa’kin.
To make the story short, nagkayayaan ang mga katrabaho namin lumabas. Sinama nila ako, kasama rin si Dino at iba pa naming mga katrabaho. Habang nagkakasarapan ang kuwentuhan, bigla nilang tinanong si Dino kung may gusto raw ba sa’kin at nagulat ang lahat no’ng sumagot siya ng, “Oo!” Like oh, my God! Ako naman ’tong medyo may amats na, no’ng ako na tinanong, napaamin na rin ako at ’yon, sigawan silang lahat kasi nga nagkaaminan na. Kinabukasan, nagkita kita kami sa area kung saan kami nagtratrabaho. Sa’kin parang wala lang. Kinakausap ko pa sya eye-to-eye kasi iniisip ko, baka lasing lang siya kaya niya nasabi ’yon kaya binibiro-biro ko pa siya, pero kita ko sa mata niya kung paano siya umiwas na parang naiilang siya sa’kin. Hindi siya makatingin sa mata ko, kaya sinabi ko sa sarili kong may gusto nga talaga sa’kin ’to.
Sundan ang kuwento ni Dina rito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Pusong lalaki | Raqi’s Secret Files
June 7, 2023
-
Bawi na lang tayo | Raqi’s Secret Files
June 6, 2023
-
Hihintayin ko pa rin siya | Raqi’s Secret Files
June 5, 2023
Comments