Deserve mong maging masaya

June 7, 2021

 

Good day DJ Raqi. Sana mabasa mo ang aking kwento. Tawagin mo na lang ako sa pangalang Jen. Avid listener at madalas maka-relate sa mga Secret Files ng mga Kabisyo natin. At ito ang aking Secret File.

I am 2 years happily married. At tulad ng karaniwang pagsasama ng mga mag-asawa, nagkakaroon din ng paminsan-minsang pagkakatampuhan na agad namang nare-resolba.

Until I met this guy online na itago na lang natin sa pangalang Vin. Friend ko siya sa FB account ko. Sa tuwing may ipopost ako, hindi siya nawawala sa mga nauunang mag heart react. Reactor ko kumbaga. Dahil mahilig siyang mag-post ng funny memes, natawag niya ang atensyon ko, lalo pa nung malaman kong pareho pala kami ng field of work – frontliner kami. Simula noon nagre-react at nagco-comment na rin ako sa mga posts niya.

New Year 2021 came, nag-post siya sa story niya at nag-comment ako. New year greeting at nag-reply naman siya. Do’n na nag-start ‘yung convo namin. Sobrang down to earth niya at marami kaming similarities – likes and dislikes.

Araw-araw kaming magka-chat lalo ‘pag nasa work ako at hindi naman gaanong busy. Hanggang sa magkapalagayan kami ng loob at naging kami secretly. Although alam niyang may asawa ako at single siya, pumayag siya sa set-up namin na magkakausap lang kami kapag hindi ko kasama ang asawa ko.

Masaya naman kami sa ganung set-up at kung hindi man kami magkaka-chat, magre-react or magco-comment na lang kami sa post ng bawat isa para maramdaman pa rin namin ‘yung presence ng bawat isa.

Madalas siyang magsulat ng mga tula. Siya lang din ang bukod tanging lalaki na nagsulat ng tula para sakin, reason para lalong mahulog ang loob ko sa kanya. Dahil dun, nainspire din akong sumulat ng tula para sa kanya.

Mahilig din akong mag-drawing tapos ise-send ko sa kanya. We exchanged “I love you” and “I miss you” everyday na para bang kami na talaga ang para sa isa’t isa. Nangako pa siya na kukunin niya ko para magsama na kami ‘pag naging ok na lahat. Naipakita na rin niya ‘yung picture ko sa mommy niya at sinabi na ako ‘yung girlfriend niya.

Until last week of April, nagkakalabuan na kami ni Vin.

 

Sundan ang Secret File Story ni Jen, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.