“Bumula ang bibig niya noong kainin ang talong ko…”

November 18, 2022

“Bumula ang bibig niya noong kainin ang talong ko…” 

Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang “Yuri,” at ito ang aking SPG, as in Super Pak Ganern Secret File. 

May kapitbahay akong mahilig sa talong. Sa tuwing makakakita siya ng talong, eh napapaindak siya at napapatili! Abot tenga ang ngitim, para siyang nakakahawak ng hayop na mahilig mag-wiwi. Itago natin siya sa pangalang “Badong.” Kapag pinalitan mo ang isang titik sa pangalan niya, alam mo na kung ano ang kasarian niya pero ayaw ko siyang husgahan kasi kahit ganoon siya ay mabait siyang kaibigan. Oo, DJ Raqi, mabait na mabait siya. Sa katunayan nga, sa sobrang bait ni Badong ay tinutulungan niya pa akong magpalaki… ng talong sa bakuran namin. Oo, bihasa siya sa pagpapalaki ng talong. Minsan nga ‘yung mga itinatanim niyang talong sa bakuran namin ‘pag hina-harvest na, eh, binibigay ko na lang sa kanya para maging ulam kasi hindi naman talaga ako mahilig kumain ng talong. 

Isang araw, naisipan ulit naming mag-gardening sa backyard namin. Alam mo na, kailangang linisin ang mga damo para hindi mapeste ang mga alaga naming talong. Balak kasi ni Badong na magbenta ng mga talong na palalaguin pa namin. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangan daw niya ng sideline kaya pumayag ako, at ‘yun na nga’t nilinis namin ang bakuran, nagbungkal ng lupang tataniman para mas maraming talong ang maitanim namin. Binunot namin ang mga ligaw na damo at nilinis ang bawat sulok sa bakuran. Sa kalagitnaan ng gawain namin ay nakaramdam ng pagod si Badong kaya’t nagpasya siyang umupo muna. Ako naman, tagaktak na ang pawis kaya’t hinubad ko muna ang suot kong sando. Kumuha ako ng ice water sa ref namin. Binigyan ko rin si Badong ng isang piraso at uminom. Napawi ang uhaw ko sa pag-inom ng ice water ngunit paglingon ko kay Badong, mukhang uhaw na uhaw pa rin siya. Nakatitig siya sa akin nang nakanganga at halos maglaway habang hawak niya ang ice water niyang tumutulo at paubos na ang lamang tubig. Tinapik ko si Badong at sinabihang, “Huy! Badong! Tulo na nang tulo ‘yang ice water mo. Inumin mo na ‘yan at may tatapusin pa tayong gawain.” Natauhan si Badong at uminom na nga ng tubig. Pagkaubos niya nito, tinitigan niya ako ulit at ngumiti na sa akin. Nagpasalamat sa ice water na binigay ko, at may isa pang itinanong ito sa akin. 

Sabi ni Badong, “Yuri, bakit hindi ka mahilig kumain ng talong?” Natigilan ako at napaisip, DJ Raqi. Hindi ko agad naisip kung anong isasagot. Gumana ang utak ko pagkatapos kong mag-loading at sumagot kay Badong, “Ewan ko, Badong. Hindi naman ako allergic sa talong. Basta ayaw ko lang.” Sumagot siya sa akin, “Yuri, may gusto sana akong itanong, huwag mo sana masamain.” Tugon ko sa kanya, “Ano ‘yun, Badong?” Sumagot siya ng “Yuri, hindi ka ba magagalit?” Sagot ko, “Magagalit? Bakit ako magagalit? Sa’yo ba, Badong?” Sagot niya, “Oo, sa akin. Hindi ka ba magagalit kung titikman ko ang talong mo?” Medyo nabigla ako sa tanong niya, DJ Raqi, kaya nagkaroon muna ng awkward na katahimikan ‘tsaka ako umimik pagkatapos ng mga sampung segundo. “Badong, hindi kita maintindihan. Ang daming talong dito sa bakuran namin. Bakit ako magagalit kung titikim ka ng talong, eh, ikaw nga itong nagpaparami niyan dito? Siyempre, hindi ako magagalit.” Sumagot si Badong, “Yuri, makunat ka ba? Hindi mo ba talaga nauunawaan ang ibig kong sabihin?” Inobserbahan ko ang mga mata ni Badong at nakita ko kung saan siya nakatitig. Hindi sa mukha ko, DJ Raqi, kun’di sa bandang ibaba. ‘Tsaka ko lang lubos na naintindihan kung anong talong ang tinutukoy niya. Oo, DJ Raqi, talong ko ang gusto niyang matikman sa ilalim ng tirik na tirik na haring araw.  

Mukhang may makakain este kainan sa kuwentong ito. Sundan ang mga susunod na mangyayari rito sa Raqi’s Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.