Bumili ako ng kiss

November 5, 2021

Itago mo ako sa pangalang Paul, and this is my SPG Secret File

Sorry ang bob* ko dati, 5 yrs old palang kasi ako noon. Hahaha! Pinabili ako ni Mama ng Kiss, ‘yung tigpi-pisong junk food. That time, ‘di ko alam ‘yun. Ang alam ko, bibili ako ng kiss. As in halik.

Eh ‘di bumili na ako sa tindahan.

“Pabili nga po ng Kiss.”

May batang babae na lumabas.

“Anu yun?”

“Pabili ng kiss.” Sabay abot ng limang piso.

Eh medyo loading din ‘yung bata.

“Bata! Pabili ng kiss, lima.” Sabi ko, ‘di niya rin kasi alam ‘yung binibili ko.

Ang ginawa niya, bumungad siya sa butas ng bilihan, ta’s nag-pout lips.

 

Sundan ang SPG Secret File ni Paul, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.