Binabaliktad ako ng pamilya niya

July 22, 2021

Hi po Ma’am Raqi. Magandang araw po. Matagal na po akong nakikinig ng Secret Files and matagal niyo na rin po ako follower sa FB. Tuwing nakikinig ako, iniisip ko po try ko rin kaya mag-send ng Secret Files ko kaya lang nahihiya ako mag-share, pero ‘di ko po akalain na darating po ang time na ‘to na need ko nang mag-share.

Handa po ako sa kahit anong advice na maririnig ng iba niyo pong followers. Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Melody.

I’ve been married for 9 years, and I have 2 daughters. Isang 9 years old and 2 years old. My husband is an OFW. Naka-base siya sa Singapore. ‘Di ko na po alam ang gagawin ko last month. Nalaman ko na 9 years na niya ako niloloko. Actually, 2x na po niya ito nagawa. Nahuli ko rin siyang may ka-chat last September 2019.

Umuwi siya para sa dedication ng baby namin. 5 months ko pa lang pinanganak ang bunso ko this time and nasa stage ako ng pagpapagaling for my total hysterectomy surgery. Nakita ko sa cellphone niya on that day na dumating siya. Kakatulog niya lang kaya kinuha ko cellphone niya.

Bago nangyari ‘to, habang nasa critical na pagbubuntis ako, lagi ako nananaginip na may ibang kasama at kayakapan ang asawa ko. Doubt ako, siyempre, pero nagbigay ako ng focus sa pagbubuntis ko kasi bed ridden ako dahil sa pagbubuntis ko na critical.

Pabalik balik ako sa hospital para sa health ng baby. Umabot pa na nababawasan ang fluid ni baby sa tummy ko kaya need ako ma-confine. Pero siya, masayang masaya sa pakikipag-chat sa ibang babae while ako, hirap na hirap. Need ko i-deliver 1 month early ng due si baby because dinudugo na ako and ayaw ng i-risk ng doctor ko ang sitwasyon ni baby.

To make the story short, nagloko siya, pinagbigyan ko kasi nangako siya na ‘di na niya gagawin. Ang last na uwi niya is January-February 2020. ‘Di na siya nakauwi because of the pandemic and siyempre, dahil may lamat na, madalas na kami mag-away.

Pero I never brought up ‘yung nangyari kasi nasa stage na ako nang pagmo-move on eh. Madalas siya nagagalit kapag tinatanong ko kung sino kasama niya lalo na kapag breaktime.

Nagtataka naman ako pero napakabait ng Panginoon kasi ni-reveal niya sa akin lahat.

 

Sundan ang storya ni Melody, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.