Biktima ako ng fake | Raqi’s Secret Files
March 23, 2023
“Kung ano ’yung totoo, roon pa ’ko hindi naniwala.”
Hi! Isa ako sa na-hook mong makinig sa YouTube compilations ng mga story sa Secret Files then, naisip kong i-share ang relasyon kong matagal ko nang kinimkim at pinagsisihang nawala.
Nakilala ko ang taong biglang nagbago ng pagkatao ko at prinsipyo ko sa pamamagitan ng matalik kong kaibigan na si Bobs. Guro si Bobs sa isang private school at ang kaniyang tinuturuan ay mga Senior High School. Isang gabi, niyaya ako ni Bobs na makipag-inuman which is libre naman ako, kaya pumayag akong sumama.
Noong nasa lugar na ako na sinabi ni Bobs, ang mga kasama niya ay halos mga kabataang lalaki, mga around 19-24 years old ang mga nandoon.
Bigla niya akong pinakilala sa lahat. Isa-isa kong kinamayan ang naroroon then, pinaupo ako ni Bobs sa tabi niya.
Habang lumalalim ang gabi, may isang nandoon na kung makatitig sa akin ay tila may gusto siyang sabihin sa akin. Ako naman ay napapatingin din sa kaniya, hanggang ang ilan naming kasama ay nalasing na. May mga sumusuka na at ang ilan naman ay bigla na lamang nawawala. Isa si Bobs sa nawala. Hindi ko alam kung saan siya nagtungo at dito ako nilapitan ng taong kanina pa ako tinititigan.
Sundan ang kuwento ni Tony dito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Pusong lalaki | Raqi’s Secret Files
June 7, 2023
-
Bawi na lang tayo | Raqi’s Secret Files
June 6, 2023
-
Hihintayin ko pa rin siya | Raqi’s Secret Files
June 5, 2023
Comments