Best job ever | Raqi’s Secret Files

January 24, 2023

“Na-BJ ako ng Team Leader ko…”

Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang “Xian” at ito ang aking SPG, as in Super, Pak Ganern, Secret File.

Nagsimula akong magtrabaho sa isang BPO company noong January 2019. Napagdaanan ko ang pagiging call center agent, hanggang sa unti-unti akong napromote sa pagiging Team Leader, Supervisor, hanggang sa naging Department Head ako. Lahat yun ay bunga ng aking sakripisyo, pagtitiis, at pagpupursigi sa aking trabaho.

Sa kasalukuyan, masaya kong pinamumunuan ang aking department. Karamihan sa staff ko ay dependable at persistent naman sa trabaho. Paminsan-minsan, kapag pinagmamasdan ko sila sa kanilang shift, hindi ko maiwasang mag-reminisce ng mga panahong ganyang-ganyan din ako katulad nila. Nagsusumikap habang nasa mababang posisyon, para balang araw, maging leader din sa isang kumpanya.

Tuwing naaalala ko ang umpisa ng aking karera, may mga hindi ako makalimutang pangyayari, na humubog sa kung ano ako ngayon. Because somewhere along the way, I did some bad things, very bad things. Aamin ako that I once had an affair. An affair with my Team Leader. Itago natin siya sa pangalang “Sir John”.

And yes, DJ Raqi, I had an affair with a man like me. Patago ang aming affair dahil he is married to his wife of about 15 years na that time, at mayroon siyang mga anak na nasa kolehiyo na. Sa madaling salita, tila isang taboo ang aming lihim na ugnayan dahil bukod sa pamilyado siyang tao, we are both men. And he was almost a Senior Citizen noong mangyari ang lahat ng ito sa amin.

 Noong May 2019, agent pa ako at this time; habang nasa shift ako isang madaling araw, nahuli ako ni Sir John na nakaidlip sa working table ko. Naaalala ko, na ito yung mga panahong nagkaroon ako ng family problem. Kaya’t madalas akong pumasok sa work na ‘sabaw’ o ‘sabog’, madalas distracted dahil sa stress o anxiety o kombinasyon na ng dalawang ‘yan. Noong makita ako ni Sir John na nakatulog, pinatawag niya ako sa kanyang office at doon kami nagsimulang magkaroon ng connection, ma-L as in malalim na connection, sa isa’t-isa.

Bungad niya sa akin pagpasok ko, “Xian, what the hell are you doing? You are supposed to keep working, AWAKE, at this hour. Don’t you realize that by sleeping at 3 A.M. you are being a liability to this company?” Sumagot ako ng, “Sir, I am very sorry. Pagod lang ako these past few days.” Sumagot rin si Sir John, “You know very well, Xian, that that’s not an excuse. We are paying you to do your job, to respond sa mga tawag ng mga kliyente natin. You should realize that and wake up.” Yun na DJ Raqi, yun ang unang beses na na-BJ ako ni Sir John. BJ as in!

Alamin ang susunod na mangyayari sa kuwentong ito rito sa Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.