Bakit sa inyong magkakapatid ikaw lang ang walang asawa?

January 7, 2021

Ako si Che at hindi ito ang ang secret file ko.

Ilang taon na ang nakalipas nang mangyari kay tita ‘yung love story niya na nai-kwento niya sa akin noong nakaraang buwan lang.

Walang asawa si tita, at bunsong kapatid siya ni mama. Birthday ng kuya ko nang magpunta siya dito sa bahay dahil sa kaunting salu-salo. Mag-a-alasdose na ng gabi nang makita ko si tita na mag-isang umiinom ng wine. Lumapit ako, “Tita, okay ka lang?” “Oo” ang sabi niya pero hindi halata sa mga mata niya na hindi, e. Tinanong ko siya ulit, kinukulit ko siya kung anong nangyari, “Tita, kwento ka naman sa’kin”. Tinanong niya ako kung anong iku-kawento niya sa akin.
“Hmm, tita? Bakit sa inyong magkakapatid, ikaw lang walang asawa?” Natawa siya sa tanong ko’t biglang natahimik.
“21 years old ako nu’ng una kong makilala ‘yung first boyfriend ko. Hindi alam nila mama at papa ‘yun dahil nga bunso ako, hindi pa ako p’wedeng magboyfriend. Nakilala ko siya dahil sa kaibigan ko, si Dex. Nagpunta ako sa bahay nila Dex kasi nagkayayaan kaming tumambay muna sa bahay nila nu’ng mga panahon na ‘yun. Pagdating du’n, andun si Zach. Si Zach ‘yung first boyfriend ko. Pinakilala siya sa akin ni Dex hanggang sa naging magkaibigan na rin kami tapos nanligaw siya sakin ng isang buwan lang. Ang bilis kong mahulog, ‘no?” Sabi ni tita sa akin, nagtagal sila ng limang buwan lang. “Birthday ni Dex, galing ako sa kaibigan ko na may birthday din. Pagpunta ko kina Dex, hinanap ko agad si Zach, siyempre. Nahihiya ako sa mga tao kasi ang gaganda ng mga suot nila, nandoon ako sa labas ng gate, naghihintay na lang akong dumating si Zach kaso wala, e.”

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ng Tita ni Kabisyo Che sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.