Ayaw sa’kin ng pamilya ng BF ko

September 8, 2021

Hi DJ Raqi, itago mo ako sa pangalang Darla, 23 years old from QC. And I met this guy year 2015 at itago na lang natin siya sa pangalang Dagul.

High school ako no’ng time na nagkakilala kami ni Dagul. Siya ‘yung tipo nang lalaki na ma-appeal. Hindi naman siya panget and hindi rin ‘yung sobrang gwapo. Average lang naman pero no’ng unang kita ko pa lang sa kanya eh parang kumukulo dugo ko kasi nga parang naiirita ako sa kanya tsaka napapangitan pa ako sa kanya that time. And napaisip pa ‘ko na “Diyos ko, may magkakagusto pa kaya sa taong ‘to na mukha namang adik?”

Haha I don’t know but then gano’n lang talaga first impressions ko sa kanya. Ang dugyot niya kasi sa paningin ko. ‘Di naman ako masyadong judgmental haha and sobrang hate na hate ko siya for no reason na parang ewan. And that time, walang pakialamanan.

Until one day, biglang nag-iba ang ikot ng mundo. Na-realize ko na habang umaapaw galit ko sa kanya without valid reason kasi wala naman syang ginagawang masama sa’kin, parang may nafi-feel ako na weird kasi nga most hated person ko ‘yun eh. Parang habang tumatagal, na-realize at nararamdaman kong gusto ko na siya. And dahil nga nagustuhan ko na si Dagul, humingi ako ng tulong sa best friend kong babae para hingiin number niya.

Ako na nag-first move no’ng time na ‘yun. Kahit parang nakakahiya, pinursue ko pa rin.

 

Sundan ang Secret File Story ni Darla, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.