Ayaw sa’kin ng pamilya ko

February 19, 2021

Itago niyo ako sa pangalang Em. Ngayon ko lang iku-kuwento kung sino ba ako. Kung ano ba yung nararanasan ko sa buhay.

Bata palang ako nakaranas na ako ng iba’t-ibang panghuhusga. Andiyan ‘yung sabihan ako ng “Salot. Walang alam. Pokpok” at marami pang iba. Sa sobrang dami nga, hindi ko na maalala ‘yung iba.
Alam mo kung anong pinakamasakit don? ‘Yung mismong Papa ko, ayaw sa’kin kasi nga, bakla ako. Oo, bakla ako. At ayaw ng tatay ko sa’kin. Actually, lahat sila. Bothside. Pati mga Tita and Tito ko. Ayaw sa’kin. Kasi nga raw, walang bakla sa mga lahi namin.

Pero kahit gano’n pa man, nagpatuloy ako. Until one day, nakakilala ako ng lalaking kaibigan. Super close kami. As in yung close talaga. Minsan nga, napagkakamalan na boyfriend ko yung boy bestfriend ko.

Akala ko, doon na matatapos lahat ng paghihirap ko. Pero doon palang pala magsisimula ang pinakamahirap.

Hindi ko alam kung bakit lagi nalang, lagi nalang mali yung nakikita ng pamilya ko sa’kin. Hindi ko nga alam kung paano ko maipagtatanggol ‘yung sarili ko sa kabila ng maling ikinukwento ng Tita ko tungkol sa ‘kin. Pilit nila kong nilalayo sa mga taong nagpapasaya sa ‘kin. Pati Mama ko, walang kaalam-alam.
Ang alam niya lang, yung mga sinasabi ng Tita ko kay Papa na mali. Siyempre, wala akong magagawa. Matanda siya. Bata lang ako. Hindi ba gano’n naman talaga? Mas pinaniniwalaan ng mga Papa at Mama natin yung matatanda? So, ang ending, ako palagi ang mali.

Ang hirap ng buhay ko, ‘no? Ang hirap ng buhay ng isang bakla. Dapat pamilya ‘yung kinakapitan ng lakas at ng tibay ng loob ‘di ba? Pero yung akin? Iba. Oo, minsan, ipaparamdam nila sayong mahal ka nila. Na mahalaga raw ako sa kanila.
Pero ‘pag andiyan na ‘yung issue tungkol sa amin ng mga kaibigan ko? Wala na. Maglalaho nalang na parang walang nangyari. Na parang wala kang ginawang tama.

 
Sundan ang Secret File Story ni Em, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.