Ayaw panagutan ng Boss ko ang batang nasa sinapupunan ko

November 9, 2018

DISCLAIMER: The content below may consist of ideas and subject matters suited only for adult audiences. Audience below 18 is advised to view this content under adult supervision.

Itago na lamang daw ang ating letter sender sa pangalang “Tin”.

Nagsimula ang lahat ng mapapait na karanasan niya sa bullyhan.

May Boss siya na Indian national na halos hindi naman niya nakakausap o nakikita man lang.

Isang araw, sinabi ng supervisor niya na gusto raw ni Tin na magtrabaho sa India kahit hindi naman talaga niya ito kagustuhan. Kumbaga nananadya ang supervisor niya para bullyhin siya.

Ngumiti lang ang kanilang Boss sa kanya at agad nagtapos ang kanilang pag-uusap.

Makalipas ng ilang araw, kinontak siya ng Boss niya online at tinanong siya kung anong gagawin ni Tin ngayong araw kaya sinabi ni Tin na birthday daw ng Ate niya at tinanong siya nito kung hindi raw ba ito imbitado, pero nahiya si Tin na sabihing hindi ito imbitado kaya inimbitahan na lang nila.

Niyaya siya nitong mag-long drive papuntang Subic… Nasundan pa ng ilang beses ang kanilang pag-alis-alis kung saan-saan.

Paano kaya nangyari ang hindi dapat mangyari sa buhay ni Tin? Subaybayan sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.