Ang toxic na | Raqi’s Secret Files
May 16, 2023
“’Yung taong sobrang mahal mo, puwede kang bitawan kahit kailan, kahit saan.”
Hello, DJ Raqi!
Just call me Paula.
I never thought na aabot ako sa point na isusulat ko ang story ko sa’yo, DJ, but we can never really judge how heavy others feel pala talaga, ’no? Aabot sa punto na gusto nilang ma-release ang dinaramdam nila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng istorya nila.
By the way, I’m from Mindanao, 23 years old.
Hindi ko inakala na sa edad na 19, mapapasagot ako ng taong itatago natin sa pangalang Kristof kasi super bilis ng pangyayari. Akala ko kasi, wala pang kami. March 8, 2019, sinurprise niya ako with letters na may nakasulat na “Happy 1st month,” kaya sige, goods. Kami na lang. Hindi ako attracted sa kaniya at first, to be honest. We were still first year college students that time, mga second semester na. Education student siya, ako naman, Engineering student.
We shared a lot of happy moments together. Lahat ng angle ng campus namin, parang may memory kami kasi mahilig kaming kumain together. Mahilig din kami kumanta, palagi kaming magkasabay pauwi at pumunta ng respective classes namin. During our first year, sa point of view ko, I can say na parang hindi siya gaano kaseryoso sa akin, pero he already told me na rin naman na hindi niya ako priority. Priority niya ang pag-aaral at ang career niya. ’Di ba nasabi ko na at first, hindi ko talaga siya gusto? Pero, nahulog ang loob ko unti-unti. Gusto ko ’yung goal-oriented na person, eh. Natutuhan ko siyang mahalin. Bawat araw, mas gusto ko siya hanggang sa talagang mahal ko na siya.
Sa second month namin, nag-away kami dahil selosa ako, eh. Hindi ko kasi gets bakit the same ang treatment niya sa akin at sa ibang babae. Hindi niya ako pinagtatanggol kung may mang-aaway sa akin, kaya no’ng nag-away kami. Of course, feeling ko kampante ako na okay lang magselos, kaya inaway ko siya comparing myself to other girls, kaya lang nagalit siya. ’Yan ’yung pinakaunang beses na nalaman ko kung paano siya magalit. ’Yan ’yung time na nakatanggap ako ng masasamang salita galing sa kaniya. Hindi ako nag-reply, pero wala rin akong natatanggap na mga message niya. So, ako na lang din nauna mag-message sa kaniya. Nag-sorry ako then, nag-sorry na rin siya. If I look back sa mga times na ’yun, masasabi ko talaga ngayon na sana noon pa lang, nakita ko na ’yun na red flag.
Sundan ang kuwento ni Paula rito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Pusong lalaki | Raqi’s Secret Files
June 7, 2023
-
Bawi na lang tayo | Raqi’s Secret Files
June 6, 2023
-
Hihintayin ko pa rin siya | Raqi’s Secret Files
June 5, 2023
Comments