Ang sama ng Lolo ko

August 4, 2020

I’m lindz, 16 years old.

Lumaki akong nakatatak na sa utak ko na masama kang tao. Kasi ‘yun yung laging kwento nila mama sa’kin. Kilala ka sa lugar niyo bilang basag -ulo. Sobrang sakit mo sa ulo noon. Lagi mong binibigyan ng stress si lola. Tuwing uuwi ka raw ng bahay noon, lasing na lasing ka. May isang araw pa nga na inutusan mo si lola noon, kaso hindi nya nasunod agad kasi nanghihina ‘yung katawan niya dala ng matinding trangkaso. Pero anong ginawa mo? Dahil hindi ka niya nasunod agad, pinukpok mo sa ulo niya ‘yung bote ng beer na iniinom mo. Grabe ka!!!

Tatlo silang anak mo, si tito John na paborito mo sumunod si mama na nagiisang babae at ang bunso na si tito Cha. Tatlo sila, pero dalawa lang ang tinuring mong anak. Isang araw umuwi si mama galing school noon, gutom na gutom siya at nu’ng tinignan niya ‘yung lagayan ng ulam, Isa. Isang pirasong pritong isda na lang ang natira. Pero anong sinabi mo? “‘Wag mong kakainin ‘yung ulam ng kuya mo at baka nagugutom ‘yun pag-uwi.”

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Lindz sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.