Ang mga pangako niya noon ay unti-unti na niyang ipinapako, wala na

April 18, 2022

Hello, DJ Raqi! I am your silent listener, palagi akong nakikinig sa mga secret files na binabasa mo. But now I want to share my own story to you. I loved writing stories, gusto ko sana itong isulat sa wattpad, pero narinig ko ulit ang isang secret file na binasa mo, kaya I decided na sa’yo ko muna isulat.
Itago mo na lang ako sa pangalang “Aeri.” Grade 6 ako noon, first day of school, maaga akong pumasok para hindi ako mahuli sa klase, para na rin makalibot muna kami ng kaibigan kong si Hara sa buong school. Pinuntahan namin ang nga kapatid niya, naglakad-lakad, until we decided to check other students’ section. Kasalukuyan kaming nagtitingin when I saw an unfamiliar name written at the bottom of the list, itago na lang natin siya sa pangalang “Rahj,” a transferee.
Hindi ko na siya nakita sa room nila noon dahil tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang ceremony. Pumila kami noon sa may harap ng flag pole, at dahil magkalapit ang letra ng section namin ni transferred guy, Earth ako at Jupiter siya, naging magkatabi kami ng pila. Nagkataon pa noon na pareho kaming may katangkaran kaya pareho kaming dulo. At doon ko na nga nakita ang mukha niya. Ang pangalan niya lang ang unfamiliar, dahil ang mukha niya ay familiar na familiar, it’s like I saw him before, but i don’t know when.

Nagkatinginan kami nang saglit nang napansin niyang nakatingin ako, kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap. Sa unang tingin ko pa lang sa kan’ya ay may naramdaman na akong parang ayaw ko sa kan’ya. Mukha kasi siyang mayabang at palaaway, pero malay ba natin.

A lot of months had passed, but we never talked to each other, kapag kumukuha kasi sila ng tubig sa room namin ay ang kaibigan niya ang kumakausap sa’kin, ako kasi ang nakaupo sa may tabi ng bintana at ako ang malapit sa ref kaya ako minsan ang nauutusang mag benta sa kanila. Wala kasing magbabantay ng ref na dapat sa canteen nakalagay, kaya sa’min na lang nilagay.
Grade 6 pa kami noon kaya uso pa ang “Crush things,” nagkaroon ng crush ang kaibigan ko sa kaibigan niya, dahilan ng pagiging madalas naming paglabas ng room at pumunta sa tapat ng room nila. Isang room lang naman ang pagitan ng room namin sa room ng Jupiter, kaya madali lang puntahan. O ’di kaya naman ay sa court kami, or kung nasaan man sila. Dahil do’n sa kaibigan ko ay nagkaroon kami ng communication sa isa’t isa. Pero palagi kaming nag-aaway, nag-aasaran, nagbabangayan, until we ended up being enemies.

Sundan ang kuwento ni Aeri dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.