Ang lihim ni Papa

June 16, 2021

 

Hi DJ Raqi. ‘Di ko alam kung saan ko sisimulan ang aking karanasan sa buhay. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Ashlie, 24 year old, may dalawang anak at kasalukuyang nagta-trabaho sa bansang Saudi. Ito ang aking Secret File.

Bata pa lang ako, naiingit na ako sa mga kapatid ko dahil mahal na mahal sila ng Mama na nakikita ko naman at ibang-iba sa akin.
Ako kasi ‘yung laging inuutusan, laging sinisigawan. Pero nagpapa-pansin ako kay Mama like naglalambing ako ‘pag nakahiga siya at yayakapin ko pero itutulak niya ako which is kabaligtaran sa mga kapatid ko na kung maglalambing sila ay hinahayaan niya lang.

‘Yung Papa ko naman, laging wala sa bahay dahil nangibang-bayan para makapagtrabaho bilang construction worker noon.

Fast forward. Umuwi si Papa, may dalang kaibigan/ka-trabaho. Sa pagkaka-alala ko, sumama ‘yung kaibigan/ka-trabaho niya dahil wala na itong uuwian na pamilya. Hindi na kasi sila bumalik sa bayan na tina-trabahuhan nila. Ibig sabihin, doon na titira ang kaibigan/katrabaho ni Papa na tawagin na lang natin sa pangalang Tatay Diaz.

Mabait at matulungin naman si Tatay Diaz. Lagi-lagi nga niya akong binibigyan ng baong pera no’n kasi nag-aaral pa ako ng grade 3.  Minsan ‘pag walang pasok, aayain niya akong manguha ng panggatong at gulay sa bukirin. Minsan nga namumulot kami ng kamansi para may pang-meryenda kami.

Lumipas ang ilang linggo’t buwan, naging close kami ni Tatay Diaz kasi nararamdaman ko sa kanya ‘yung pagpapahalaga at pagmamahal na inaasam asam ko kay Mama. Pero isang araw sa bukirin, habang nangunguha kami ng panggatong ni Tatay Diaz, ‘yun na pala ang simula ng bangungot sa buhay ko.

 

Sundan ang Secret File Story ni Ashlie dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.