Ang idol kong ahas

October 7, 2021

Hi, DJ Raqi! Ako po ang avid listener ng 90.7 Love Radio, and mahilig po ako makinig sa programa mo especially ‘yung SPG as in Super Pak Ganern. Sana mabasa mo ang aking kwento kung paano ako niloko ng idol ko. Itago mo na lang ako sa pangalang Jules, 28 years old galing Mandaluyong City at ito ang aking Secret File.

April 24, 2020, noong panahon ng Enhanced Community Quarantine, stay at home lang ako lagi. Wala naman akong ginagawa buong maghapon. Nakakaboring kaya sa bahay. So, ang ginawa ko na lang ay mag-TikTok buong araw, kahit konti lang ‘yung followers ko kasi hindi naman ako artista.

Habang naghahanap ako ng magagandang trending videos sa Tiktok, nakita ko ‘yung isang lalakeng TikToker na mala-artistahin tapos gwapo at malaki pa ang katawan niya. Napakagaling niya kumanta at sumayaw. So, inopen ko ‘yung account niya at finollow ko na si idol sa TikTok pati na ‘yung mga social media accounts niya.

Itago na lang natin siya sa pangalang Olan. Nalaman ko na artista rin pala siya, kaya “idol” ko na si Olan ngayon.

Fast forward naman to June 22, 2020. Noong nasa General Community Quarantine na pero naka-lockdown pa rin ako sa amin, nalaman ko rin na hindi lang pala siya artista at model. May chicken wings online business pala siya. Nag-trending pa sa social media! So naisip ko na gusto kong mag-order ng chicken wings, natakam kasi ako. Kaya lang struggle pa ako no’n kasi baka hindi maasikaso ‘yung transactions ko sa sobrang dami nilang tumatangkilik sa chicken wings ni Olan.

 

Sundang ang Secret File Story ni Jules, dito sa DJ Raqi’s SEcret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.