Ang hirap maiwan ng hindi mo alam ang dahilan

April 8, 2021

 

Itago niyo ‘ko sa pangalang Jelai, at ito ang aking Secret File.

Ang hirap maiwan na hindi mo alam ang dahilan. ‘Yung hirap na ‘yon, dinadala ko pa rin pala, anim na buwan na. Maraming tanong na tumatakbo sa isip ko kung saan ba ‘ko nagkulang? Saan ba ‘ko nagkamali? Anong kasalanan ko? Bakit niya ko iniwan? Anong dahilan?

Hindi ko alam kung saan pa ‘ko huhugot ng lakas noon dahil sa hindi ko inaasahan na ma-stroke ang aking mama. Wala akong mapagsabihan ng problema ko. Wala akong mapagsabihan ng mga hinaing ko sa buhay.

Naging kami noong 1st year college kami. Nagkakilala kami sa buwan ng Agosto. Naging magkaibigan kami dahil nga sa buong akala ko, ‘yun lang talaga ang pakay niya:  na maging magkaibigan kami. Lumipas ang ilang mga araw, inaasar na ako ng mga tropa niya at tropa ko sa akin. Ewan ko kung bakit. Sila pa talaga nagtatanong kung may chance kami ng ex ko ngayon na itago natin sa pangalang George.

Si George ay masayahing tao. Mahilig magpatawa. Singkit. Oo, aaminin ko, nagwapuhan ako sa kanya. Isa pa, nagustuhan ko ay nung nalaman kong dancer siya. Minsang naglalakad kami, umamin sya. Tinanong niya ‘ko kung pwede s’ya manligaw sa’kin. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yo’n kasi wala naman sa isip ko noon ang mag boyfriend dahil galing nga din ako sa pagkabigo nung buwan na yon. Kaya naman pinaspasan ko maglakad at sabay takbo papunta ng school namin.

Nakakatawa, pero hindi ko akalain na aamin siya kasi buong akala ko, nahihiya siya. Kaya mga tropa niya at tropa ko nagsasabi sa’kin. Nilakasan niya lang loob niya para umamin. Hindi nag-tagal, literal na hindi nag-tagal, sinagot ko siya noong araw ng birthday ko. Hindi ko rin alam. Bago ko ibigay ang “oo” ko sa kanya ay gumawa siya ng long message para sa’kin na nakita ko sa phone ko.

At ‘yun na nga, pinanindigan ko na ang kasabihang “relasyon ang pinapatagal, hindi panliligaw”. Kaya ayun, sinagot ko siya sa paraan na kakaiba. Hiniram ko yung phone niya at gumawa ako ng video na may mga larawan naming dalawa with matching music na Ikaw at Ako ni Moira Dela Torre. Hahahaha may mensahe kada litrato namin at sa huli ang word na I love you, meaning, kami na.

Nung matapos niya panuorin ang video, todo ang ngiti at tuwa niya. Hindi niya napigilan, niyakap niya ‘ko pero nauna niya niyakap ‘yung tropa naming lalaki bago ako HAHAHAHA. Sobrang saya niya kasama. To be honest, happy pill siya sa classroom namin at hindi sa pagmamayabang, siya ang pinakamagaling sa Math sa section namin. Tinuturuan pa niya Prof namin pag nalilito si Sir. Sa hiphop contest, siya ang leader. Kaya naman pag sumasayaw siya, bugbog talaga ako sa mga katabi ko. Kilig na kilig sila sabay sigaw nila “Boyfriend ni Jelai yan!”

Kaya naman hindi ko rin maitatanggi na swerte ako kay George. Walang araw na hindi ko siya kasama. Maski Sabado at Linggo, nakikita ko siya dahil hinahatid-sundo niya ‘ko sa bahay namin. Kahit malayo, umulan, bumagyo o sobrang init man, ihahatid niya ‘ko at sasamahan kapag naubos allowance ko. Uuwi kami sa bahay namin kahit na tatlong bayan pa kailangan namin daanan.

Hindi ko nakita ni minsan na hindi niya ‘ko mahal. Masaya kami pag nag-uusap. Sa isang araw, walang oras na hindi kami ngingiti o tatawa.

Ito na nga. Nagsimula na ang CoViD19 at nagkaroon ng total lockdown buong Pilipinas kaya naman umuwi na kami sa kani-kaniyang bahay. Oo, namimiss namin ang isa’t-isa. March noong nagsimula ang lockdown. March hanggang July, okay kami. Actually, binilhan ko pa siya ng cake noong birthday niya kasi naikwento niyang hindi pa siya nagkaroon ng cake sa 19 years na nag-birthday siya.

Kaya naman isu-surprise ko sana siya kaso hindi kami pinayagang dumaan sa checkpoint kaya no choice, kinain ko mag-isa ‘yung cake HAHAHA ang sarap pala.

Fast forward. August 15, nagkasakit ako. Nilagnat ako kaya hindi ko siya gaano nakausap nung araw na ‘yon. Gabi na lang ako nakakapag-chat sa kanya. Sinundo siya ni Ate sa kanila kaso hindi pinayagan ng checkpoint kaya ‘yun, hindi siya nakapunta sa bahay. Kinabukasan, August 16, monthsary namin. Hindi pa rin maganda and pakiramdam ko kaya hindi ako nakapag-chat sa kanya buong araw. Kinabukasan, August 17, nag online ako.

Wala siyang chat ni isa pero naka-online.

 

Sundan ang Secret File Story ni Jelai, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.