Ang BF ko mismo ang pumilit sa’kin

April 27, 2021

Itago mo na lang ako sa pangalang Carmela. I’m 22 yrs old, at ito ang aking Secret Files.

Nagta-trabaho ako sa bangko kaya madalas stress ako. Kaya bago ako matulog, gumagamit ako ng isang dating app hanggang sa may nakilala akong isang guy. Itago natin siya sa pangalang Troy. Ahead sa’kin ng 7 years.

2018 ‘yun noong naging magkaibigan kami hanggang sa hindi na kami nag-usap year 2018 din. It was September 2020, may isang phone number akong nakita sa isa kong notebook hindi ko alam kung kanino. Eh bored na bored ako. Tinry ko i-call para malaman kung sino ba ‘yun at pinrank call ko. Nagulat ako na marinig ang isang pamilyar na boses. Si Troy.

Doon na nagsimula ulit ang communication namin. Siya ‘yung palaging nandyan para sa akin. Siya ‘yung takbuhan ko and yes, napamahal ako sa kanya. Mabilis kasi ako ma-attach sa isang tao eh. Sabi niya, siya rin daw, ganon na ‘yung feelings para sa akin but he’s not ready for a commitment. Ang sakit no’n para sa akin pero okay lang as long as nag-uusap kami everyday, masayang masaya na ako.

Until we decided na mag happy happy sa Tagaytay kasi parehas kami stress sa work. Sinundo niya ako sa amin. By the way, taga-Calamba siya and ako, taga-Quezon. Oh diba, haba ng hair ng lola mo. Feeling ko nga, love na love niya ako that time e. So ‘yun nga, nagsinungaling pa ako sa parents ko para lang makasama siya ng weekends.

Sa ganito kong edad, may magandang trabaho na ko’t nakaka-tulong sa pamilya pero bantay sarado pa rin ako ng parents ko kaya no choice kung hindi mag sinungaling.

November 15, 2020. Ang isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko, DJ Raqi kasi nagkita na ulit kami. Sobrang kilig na kilig na kilig ako lalo na noong nag-yakap kami. Dumaan kami sa Sto. Tomas. Nag-simba muna kami kay Padre Pio at talagang hiniling ko kay Padre Pio na sana maging boyfriend ko na si Troy. Ewan ba kung bakit ganon ‘yung prayers ko. Gusto ko siyang maging akin kahit hindi ko alam kung totoo ba ‘yung sinasabi niya na mahal niya ako.

Okay na okay ‘yung maghapon ko na nakasama ko siya. Sa bahay nila kami umuwi. Wala siyang kasama sa bahay nila, ilang years na siyang nag-iisa.

Bago kami matulog, DJ Raqi. Nagkwe-kwentuhan pa rin kami about sa mga buhay-buhay namin. May kasamang alak, at may nangyari sa amin ng gabing ‘yun. Oo, tanga ako dahil pinaubaya ko ang sarili ko sa kanya kahit walang kami pero wala eh, nadala ako ng pagmamahal ko sa kanya.

After namin mag-sama, sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung lalagnatin ba ako. Natatakot nga ako kasi baka may CoViD na ako. Ang hirap magkasakit sa panahon natin ngayon eh. Sinabi ko ‘yun kay Troy na masama pakiramdam ko. Sumasakit na rin ang puson ko. Nasa isip ko na baka magkakaroon na ako ng menstruation kasi ‘yun ‘yung week ng schedule ng menstruation ko pero one week na, wala pa rin. And yes, delayed na ako.

 

Sundan ang storya ni Carmela, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.