Ampon ako

June 9, 2021

 

Hi DJ. May gusto lang po ako i-share sa inyo at sa mga listeners ng show mo. Itago mo ‘ko sa pangalang Ineng at ito ang aking Secret File.

Ako ay may 3 klaseng pamilya. Foster, biological mother side, at biological father side. Sa foster family, minahal nila ako ng sobra. Pagka-putol pa lang ng pusod ko, nasa kanila na ‘ko. Binihisan, pinakain, minahal at itinuring na prinsesa.

Mahal na mahal nila ako lalo na ng mommy at daddy ko. Daddy’s girl pa nga ako eh. Never nila akong sinaktan. Never nila akong pinabayaan. At never kong naramdaman na ‘di nila ako tunay na anak. Lahat ng gusto ko, ibinibigay nila sa’kin. Until one day, umalis si Mommy.

Pumunta siya sa ibang bansa para mag-work. Naiwan ako sa Daddy at sa mga kuya ko. Mga 2nd quarter na no’ng biglaang umuwi si Mommy dahil sa isang kagimbal-gimbal na nangyari. Dahil bata pa ‘ko no’n, wala akong kaalam-alam na kinasuhan na pala ng mga teachers ko ang Daddy at isa sa Kuya ko ng rape!

Naalala ko pa no’n, nagka-dugo kasi undies ko at kumirot ‘yung maselang bahagi ko dahil sa Chinese garter kaya ipinilit ng mga teachers ko na ginagahsa ako kaya nagdugo ‘yung maselang bahagi. So ayun, napa-uwi si Mommy para ayusin ‘yung case. Iniurong namin ‘yun, kasama ako. ‘Di na nagkaso ang Mommy doon sa teacher ko. Ganun ka-bait ang kinilala kong parents.

Kaso nalaman ‘yun ng Auntie ko. Sinabi ng Auntie na oras na raw para malaman ko ang totoo. Tinawag niya ‘ko at walang kaabog-abog na sinabi niya sa’king ampon ako.

So fast forward. Nag-rebelde ako. Napabayaan ko studies ko. Natuto akong mag-inom at manigarilyo and worst, naglayas pa ‘ko no’ng nag-1st year college ako. Ang mind set ko no’n, ‘di ako nararapat sa family nila. Ampon lang ako. Kasi unlike naman sa ibang tao na inaampon, ang mind set ay aayusin ang pag-aaral. ‘Di naging ganun isip ko.

Ang nasa isip ko nun, ‘di ako karapat-dapat sa ginagawa nila para sa’kin, na dapat kong harapin ang future ko nang mag-isa. Pumunta ako sa Manila (Taga-province po ako. Mindoro to be exact.) kaso maling tao ang sinamahan ko. Isinama niya ako sa malapit sa riles at doon, iniwan niya ‘ko. Kahalubilo ko ang mga klase ng tao na never kong nakasalamuha before dahil ‘di naman ako pinapalabas noon nina Mommy at Daddy. Bahay na bahay ako.

So fast forward. Hinanap, nakita at ibinalik sa probinsya at nakilala ko ang tunay kong ina. Napaka-worst ng buhay nila. 8 ang mga kapatid ko pa sa kanya at dun ko naisip

“Bakit sila, nagawa niyang buhayin? Ba’t ako, ipinamigay?”

 

Sundan ang Secret File Story ni Ineng, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.