Alam kong mas mahal mo siya kaso wala kang choice

September 15, 2021

I do believe sa sinasabi ni John Lennon na  “One thing you can’t hide is when you’re rippled inside.” Kasi kahit gaano mo piliting maging okay, may mga oras talaga na babagsak ka kapag sobrang nadudurog ka na.

Hello Dj Raqi, I’m an avid listener of your program for years.  ‘Yung mga kwento mo dito minsan sini-set ko as an example, a lesson and motivation para kayanin at ipaglaban ‘yung relasyong meron ako ngayon. Wala lang talaga akong outlet ngayon para mailabas ang nararamdaman ko kaya sana mapili mo pong basahin ito.

Itago mo na lang po ako sa pangalang Muning, a single mom and a bread-winner. Isang OFW somewhere here in the middle east, and this is my Secret File.

December 3,2019 no’ng maging kami ni Meow. Yes, itago na lang din natin siya sa pangalang Meow since para kaming mga pusa na palaging nag-aaway. I was depressed that time kaya sa kanya ako kumapit. Na-overwhelm ako sa presence niya, sa time and attention na ibinibigay niya. Kaya naman, I fell for him.

Si Meow ‘yung tipo ng boyfriend na i-a-update ka palagi. Simula sa pag-gising niya sa umaga, pagligo, paalis ng bahay, pagdating sa work, pag-breakfast, pagsimula ng trabaho, lahaaaat! As in lahat. Ultimo pag-CR niya, ina-update niya ako.

Doon niya nakuha nang bonggang bongga ang tiwala ko. Sobrang panatag ako kasi araw-araw, gabi-gabi, ako lang naman nakakausap niya. ‘Yun ang pagkaka-alam ko. Sa sobrang panatag ko sa kanya, kahit binibigay niya sa’kin password ng Facebook account niya ay ‘di ko pa rin binubuksan dahil sa ang laki ng tiwala ko sa kanya. May time pa ba siya magloko kung araw-araw, kahit may work siya, ako ang ka-video call nya?

That was what I thought.

Tama pala yung sinasabi nila na kahit gaano mo pa bantayan ang isang lalaki, ‘pag gustong magloko, magloloko talaga ‘yan!

 

Sundan ang Secret File Story ni Muning, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.