Ako ang nag-suffer sa kasalanan ni papa

January 12, 2021

Sabe nila, “Once na magloko raw ang padre de familia, isa sa mga anak niyang babae ang mag susuffer”, and yes. Napatunayan ko ito.

Ako si Zhyde.

Way back when I’m elementary, sobrang saya ng buhay namin. Salat pero maayos kasi kumpleto ang pamilya. ‘Yung papa ko sobrang sipag magtanim ng kung anu-anong halaman kaya hindi kami nagugutuman kahit ano mangyare. Nakakapag-aral kami ng kapatid ko. Kahit extra-extra lang siya sa trabaho, hanggang sa nakapagdrive siya ng jeep ng tito ko, paunti-unti umuusad ang buhay namin pataas. Okay lahat hanggang sa nag-high school ako. Hindi naman sa pagyayabang, matalinong estudyante ako, hindi ako nawawala sa top tapos every kuhaan ng card, nagtatalo-talo ‘yung kuya ko, ate ko, papa ko, saka mama ko kung sino ang kukuha ng card ko kasi alam nila at expected nila kung gano kataas ng grades ko. Tapos may reward agad ako. Minsan sa isang sikat na fastfood chain. Talagang pinag-iigihan ko ang pag-aaral ko kasi gusto ko mabilhan ko ng sariling jeep ang papa ko. Nakikita ko kung gano siya kapursigido na magtrabaho para sa’ming magkakapatid. Ayaw nu’n ng nagpapahinga kapag wala siyang byahe, magtatanim ‘yan sa garden nya, pag-uwi ko, galing school. Tapon dito ang bag tapon du’n ang gamit, tapos manunood na ng tv na nakataas pa ang paa with electricfan. Tapos makakatulog, gigisingin ako ni papa, kakain na lang. ‘Yun ang every day routine ko.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Zhyde sa Raqi’s Secret File.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.