“Hindi kita siniraan sa kanila kahit sobra mo ko nasaktan.”

May 11, 2022

“Hindi kita siniraan sa kanila kahit sobra mo ko nasaktan.”

Itago mo ko sa pangalang Elle. At ito ang aking secret file

I was in 2 years & 6 months LDR po and we broke up 1 week ago. Akala ko ok na akala ko it will work. 6 months na lang magkakasama na sana kami. Pero sabi nya hindi na sya masaya sabi nya hindi na sya sigurado.

2019 ko sya nakilala, 6 months dn bago naging kami. Ma effort po si Guy lagi sya my hand written letters sa akin, gift, sa akin and kids ko. Tangap nya na single mother ako and ramdam ko naman po un.

Pero months after nalaman ko nagkabalikn pala sila ng long term gf nya ng d ko namamalayan! Ang lumabas po inagaw ko daw, ng gulo daw ako tapos inaaway na nila ako nilalait pati anak ko nilaait nya, nila kasi nanay na daw ako tangap daw ba ng pamilya ni guy ako eh me anak na ako. Kahit wala ako kasalanan talaga lumayo ako.

Dahil sa stress 2020 nag desisyon kami na wag na mag usap ayusin nya un gulo nya ganun, bumalik sya sa akin after 3 months maayos na Tapos tinangap ko sya kasi mahal ko. Sobrang mahal ko, kasi sya un anjan nun na diagnose ako ng cancer since day one until maging ok ako sya ung anjan! Binigyan nya ko ng singsing, letters buwan buwan po un pati sa mga anak ko ganun meron something galing pinas to abroad. , super close sila ng anak ko daddy na nga tawag sa kanya ganun sila ka close. Naramdaman ko naman un love and naging masaya naman po ako.

One year later naging cold na sya sa akin, sabi nya busy po sa work ganun madami inaasikaso, Tapos pag pasok ng taon 2022 D na sya natawag skn sa gabi, wala na calls.

Then nag ask sya 2 weeks daw po para ma settle down sa work ganun so pumayag ako. After 2 weeks sabi nya sa akin mahal na mahal nya ko wag ko sya iiwan, pero kinabuksan sabi nya di na sya masaya di na sya sigurado na ayaw na nya sa akin.

Ilang beses ko sya tinanong hanggang nalaman ko meron syang bago, pinagpalit nya ko habang ako nag work ako para maka save ng pang visa nya nasa ibang babae sya!
D na nya ko pinapansin tapos sabi ko kahit wag na sa akin sa anak ko na lang mag sorry sya, humarap sya ng ayos kasi naiyak un anak ko hinahanap sya until d ko na kaya blocked ko na sya.

Yung masakit dun ni ready na nya sarili nya wala ako habang ako di ko alam pano ko magsisimula ulit, ung nagiisang taong takbuhan ko, ung taong bumuo sa akin, ngayon iniwan ako durog na durog. Apat na taon ko binuo sarili ko pagkatapos mamatay ng asawa ko tapos iniwan nya ko durog ulit.

Ang masakit dn gusto ko magalit pero sa puso ko kabutihan parin hangad ko sa kanya mahal ko pa din.

Araw araw pinagdadasal ko na mawala un sakit sa puso ko kasi tuwing nag break down ako laging merong why’s sa puso ko na di nya binigyang sagot.

Sobrang. Masakit sa part ko po na hindi nya ko pinaglaban kahit alam nya ung totoo,
I still have all our conversations, email, voicemail

Ganun po pala meron tao na. Gigising sa umaga na wala na talaga love sayo kahit gaano mo sila sinuportahan sa lahat pag iiwan ka iiwan ka!

Sundan ang kuwento ni  Elle dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.