aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

“Hindi na matutuloy ang kasal namin.”

May 3, 2022

“Hindi na matutuloy ang kasal namin.”
Sabi nila in this lifetime we will love many times but one love will burn our soul forever.

Hi DJ Raqi! Ako nga pala si Inday. I am a mother of two amazing kids and a wife to my loving husband. I have a  beautiful life and I am blessed to have a supportive and kind husband. Pero sa kabila ng lahat meron pa rin isang taong hindi mawala sa isip at puso ko at siya si Choi.

I met Choi at the wake of my dearest brother. Katrabaho siya ng Kuya ko. Sa unang pagkikita pa lang namin umiyak na agad ako sa balikat niya. I met him at the darkest moment of my life. Gabi- gabi ko siyang nakikita sa burol at madalas ay nahuhuli ko siyang nag-pupunas ng luha. He was a mysterious man, his eyes were sad but he has a very beautiful smile.

Tuwing darating siya sa burol ay laging parang kinikiliti ang mga pinsan ko. Kinikilig silang lahat sa kanya. Kahawig daw ni Cesar Montano. Gwapo naman talaga siya. Hindi mo maiiwasan na hindi siya tingnan. At friendly din naman kasi. Laging nakangiti at nakikipagbiruan. Madalas ay natutulala ako sa kanya kaya hindi maiwasan na tuksuhin ako ng aking mga pinsan.

After my Kuya’s funeral binalot ako nang sobrang kalungkutan. Hindi ko matanggap yung nangyari sa kapatid ko. Lagi akong nakakulong sa kwarto at umiiyak. Ganon din si Papa. Hindi kami halos nag-uusap. Parehas kaming puno ng galit at lungkot. Parehas kaming galit kay Lord.

Until one day I saw Choi again… sa sementeryo. Nagkasabay kaming dumalaw kay Kuya. Iyak ako nang iyak nung dumating siya. Noong una ay ayaw pa niyang lumapit pero inabutan din naman niya ako ng panyo at tubig. Sinamahan niya akong umiyak. Tahimik siyang nakinig sa bawat hikbi ko at pagkatapos ay inihatid niya ako sa bahay.

Ilang beses pang naulit yung pagkikita namin sa sementeryo bago niya hingin ang number ko. May gusto raw kasi siyang isend na tula. Baka daw sakaling makatulong yun para unti unti kong matanggap ang nangyari. And since then naging textmates kami. Gabi-gabi akong umiiyak sa kanya. At wala siyang sawang nakinig sa mga hinanakit ko. Tinulungan niya akong bumangon at inakay niya ako pabalik kay Lord.

His words of encouragement never fail to bring comfort to me. He brings me back to life and help me find joy in living again. Lagi niya akong pinapatawa at lagi niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako mag-isa. Hinayaan niya akong mag luksa at binigyan niya ako ng oras para maging mahina.

On my brother’s first death anniversary tinanong niya ako kung pwde daw ba niya akong ligawan. And I said yes.

Saying yes to him was the best decision I ever made.

Sundan ang kuwento ni Inday dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.