“Love Lang Mala-cash!”
October 27, 2020

Dahil mala-cash ka sa’min Kabisyo, mayroon kaming bonggacious na papremyo para sa’yo!
Kahit mala-cash ang ulan at mala-cash din ang hangin, aarangkada na ang “Love Lang Mala-Cash” promo ng Love Radio Manila!
Simple lang naman ang steps para makasali, Kabisyo!
Mag-like at i-follow mo na ang official Facebook page ng Love Radio Manila. Kada Lunes, abangan mo, Kabisyo, ang aming “Love Lang Mala-Cash” poster para malaman ang hinihingi ng paborito mong Love Radio DJs.
I-comment mo sa aming poster ang hinihingi ng mga DJs. Tandaan mo Kabisyo: i-comment ang iyong pang-malacashan mong photo!
Makinig ka sa 90.7 Love Radio para malaman kung isa ka sa five (5) lucky winners ng instant PhP 500.00 cash!
But wait, there’s more!
Dahil naka-like at naka-follow ka na sa Love Radio Manila Facebook page, dapat mo ring abangan ang “Love Lang Mala-Cash” Facebook Live kung saan pwede ka ring manalo ng PhP 500.00 cash!
Manood ka lang sa aming “Love Lang Mala-Cash” Facebook Live at i-comment mo lang ang iyong sagot sa tanong ng iyong paboritong Love Radio DJs. Tandaan mo Kabisyo: i-comment ang iyong pang-malacashan mong sagot!
Abangan mo Kabisyo kung isa ka sa siyam (9) na lucky winners na mapipili ng paborito mong Love Radio DJs na magwawagi ng instant PhP 500.00 cash!
Kung isa ka sa mga lucky winners, mag-message ka lang sa official Facebook page ng Love Radio Manila kasama ang iyong pangalan, edad, lugar kung saan ka nakatira at isang valid ID.
Madali lang ‘di ba?! Maning-mani lang sa’yo ‘yan Kabisyo! Kaya naman ano pang hinihintay mo, tutok lang sa 90.7 Love Radio dahil “Love Lang Mala-Cash!”
Comments