Beat the heat sa MBC Jackpot Runner- Summer Max Contest!
April 17, 2021

Hey Kabisyo! Para naman maging enjoyable ang iyong tag-init, mayroong pa-contest sa iyo ang Manila Broadcasting Company at iyan ay ang MBC Jackpot Runner-Summer Max!
Para maging smooth ang pagsali mo sa contest, narito ang ilang mechanics na kailangang sundin.
1. Ang contest na ito ay dadaloy mula April 17 hanggang June 12, 2021. Mayroon itong weekly draws.
2. Para makasali, ang mga lalahok sa contest ay dapat magdownload o mag-update ng kanilang MBC Jackpot Runner – Summer Max game app sa Google Play or IOS App Store. Ang mga previous version ng game ay hindi valid para sa contest na ito.
3. Ipinapaalala sa mga lalahok na walang purchase na kailangang gawin para makasali sa contest. May limit din na one entry or one User ID kada kalahok. Wala ring age limitation ngunit ang parent o guardian ng isang minor na kalahok ang siyang mag-claim ng kanyang prize, kung sakali.
4. Para sa mga Weekly Raffle Draw, ang mga kasali sa contest ay dapat magkaroon minimum required total score sa bawat linggo para makasali sa raffle.
- Week 1 (April 17-23) 5,000 points
- Week 2 (April 24-30) 10,000 points
- Week 3 (May 1-7) 15,000 points
- Week 4 (May 8-14) 20,000 points
- Week 5 (May 15-21) 25,000 points
- Week 6 (May 22-28) 30,000 points
- Week 7 (May 29- June 4) 35,000 points
- Week 8 (June 5-12) 40,000 points
Mayroong 5 winners ng PhP 1,000 each kada linggo. Ang electronic raffle ay isasagawa kasama ang isang DTI representative. Ipinapaalala rin na ang kalahok ay maaari lamang manalo ng isang beses at isang tao kada household ang maaaring manalo kada weekly draw. Kung mabunot man ulit o ma-disqualify man ang isang kalahok, itutuloy ang raffle hanggang sa makapili ng bagong winner.
5. Para naman sa Grand Draw na magaganap sa June 12, ang mga prizes ay ang mga sumusunod:
- First Prize PhP 10,000
- Second Prize PhP 5,000
- Consolation Prize PhP 1,000 (5 winners)
- Top 5 Scorers PhP 1,000 (Based on Google Play and IOS Leaderboards)
Ang mga winners ay pipiliin via digital raffle, mula na rin sa kanilang registration data. Ang mga mapipiling mananalo ay mayroong dapat na minimum required total score kada linggo para maging qualified sa prize. Ang electronic raffle ay isasagawa kasama ang isang DTI representative. Ipinapaalala rin na ang kalahok ay maaari lamang manalo ng isang beses at isang tao kada household ang maaaring manalo kada weekly draw. Kung mabunot man ulit o ma-disqualify man ang isang kalahok, itutuloy ang raffle hanggang sa makapili ng bagong winner.
Walang natanggap na ayuda? Walang income dahil sa community quarantine? Baka gusto mong manalo ng cash prize habang naglalaro ng game?
So, ano pang hinihintay mo, Kabisyo? Download na at maglaro na ng MBC Jackpot Runner-Summer Max! Manalo ng cash prize sa raffle draw!
Beat the heat, Kabisyo!
DTI Fair Trade Permit No. FTEB-116898 series of 2021
Comments