advertisement
Sundan ang kuwento ni Isay dito sa Raqi's Secret Files.
You met me at my worst and left me at my worst - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang "Isay," 29 years old and this is my Secret File. Way back in 2016, I was still a college student taking up Psychology at dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko, kinailangan kong huminto sa pag-aaral because I was diagnosed with anxiety and depression. Nag-prescribe ng gamot ang doctor para ma-control 'yun kasi ako mismo, I couldn't control my own emotions.
Nakararanas ako ng panic attacks and at one point, I almost tried to end my life. Walang kaalam-alam ang pamilya ko pati na 'yung closest friends ko. Wala kasi akong lakas ng loob na sabihin 'yun sa kanila. If you'll ask me, how come hindi alam ng pamilya ko? 'Yun ay dahil mag-isa lang ako no'ng nagpunta sa doktor para magpakonsulta. I already knew na mayroong mali sa'kin.
