advertisement
Noong November 14, ipinarinig na ng singer-songwriter ang kaniyang bagong single na 'Gusto Ko Lang Naman Sumaya.' Title pa lang, mapapa-breakdown na kami, eh! CHAROT!
Ang kantang 'to ay inilabas bago ang birthday ng Rock and Pop star sa December 4 at ang kaniyang nalalapit na 20th anniversary sa music industry. Say pa ni Yeng sa isang press release, "For sure, maraming makaka-relate dito." Count us in, Kabisyo Yeng!
Noong November 14 naman, pinanood na niya sa'tin ang music video. Si John Prats ang direktor ng MV kaya wala nang duda ang ganda nito.
Kung kami sa inyo, hihingang malalim muna kami bago 'to pakinggan! Ang sakit, pero ang ganda!
Yeng Constantino, may bagong single na 'Gusto Ko Lang Sumaya'
Nilalamon na ng araw-araw na responsibilidad kahit mababa na ang self-motivation? Naku! Sure na makaka-relate tayo sa kanta ni Yeng Constantino!
