Sa darating na January 20, 2027, babalik ang banda sa stage ng Mall of Asia para sa kanilang '25 YEARS OF HITS' anniversary world tour. Inanusyo nila ito sa kanilang social media page noong May 8.
advertisement
Chika nila sa caption, "We're so excited to announce that as part of our 25th anniversary [celebrations,] we'll be heading to even more countries!! We can't wait to see you all.”
Magsisimula ang bentahan ng tickets sa May 15 sa SM Tickets website. Wala pang say kung magkano ang mga ito, pero paghandaan niyo na, Westlifers!
