Copyright ©2026 LOVE RADIO
Viral "OFWs in Makati" trend, in-endorse na rin ng Dept. of Tourism.
Viral "OFWs in Makati" trend, in-endorse na rin ng Dept. of Tourism.
August 29, 2026


Dati, kailangan mo pa ng passport, VISA, at ilang oras na flight para maging Overseas Filipino Worker (OFW), pero ngayon, hindi na. Dito sa Metro Manila, konting sakay mo lang ng MRT o bus papuntang Ayala, ganap ka nang Onsite Filipino Worker sa tinaguriang United States of Makati! Araw-araw, libu-libong matatapang na mga Kabisyo ang nandarayuhan papuntang Central Business Districts (CBDs) baon ang kapirasong tapang, tumbler na may malamig na tubig, at buong pananampalataya na hindi uulan habang nag-aabang ng masasakyan.

Para sa mga modern-day "onsite" heroes natin, ang One Ayala at Glorietta ang nagsisilbing Terminal 3 kung saan tiis-ganda silang pumipila bago pumasok sa opisina. Pagtawid pa lang ng border, automatic agad ang shift sa wikang Makatinese—kung saan ang simpleng "Kain tayo" ay nagiging "Hey, let’s grab coffee later ha, ok?" Nakakalurkei nga ang sakripisyo sa paggastos ng ating mga OFW gamit ang Makati Dollars (MKD), kung saan ang presyo ng isang iced coffee at tanghalian ay kasingmahal na ng isang linggong grocery sa probinsya. Nakakaiyak, 'di ba?

Dahil sa matinding kasikatan ng good vibes trend na ito, pati ang Department of Tourism (DOT) ay naki-join na rin sa kulitan sa pamamagitan ng pag-post ng satirical travel promotion para sa United States of Makati bilang isang opisyal na "VISA-free destination." Kaya habang nakatingin ka sa salamin ng glass building at nag-o-overthink sa gitna ng coffee break, huwag mahihiyang magbuntong-hininga at magsabing "Miss ko na ang 'Pinas..." kahit ang totoo ay tatlong barangay lang ang distansya mo mula sa sarili mong kama. Mabigat man ang trapik at masakit man sa binti ang paglalakad sa elevated walkways, laban lang—para sa pamilya, para sa pangarap, at siyempre, para sa susunod na sweldo! Ganern!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...