advertisement
Ang mas nakakaantig dito, ang ipinambili niya ng burger ay mula sa ₱400 na ayudang natanggap niya sa barangay. Nagtira lang siya ng kaunti para sa maintenance niyang gamot, habang ang natira ay ipinambili niya ng burger para mai-share sa iba.
Nagtatrabaho si Tatay Lando bilang barker o tagatawag ng pasahero sa Cubao. Sa kabila ng edad, humihinang katawan, at mag-isang pamumuhay sa apartment, hindi niya nakakalimutang mag-share ng kung anong mayroon siya.
Mas naging espesyal naman ang simpleng gesture na ito para kay Aika dahil pumanaw ang ama niya noong nakaraang taon. Matalik na kaibigan ng ama niya si Tatay Lando, kaya sa tuwing nagpapakita ito ng malasakit, para na rin niyang nararamdaman ang pagmamahal ng isang ama.
Nang i-post ni Aika ang CCTV footage kung saan makikitang kumakatok si Tatay Lando para mag-abot ng burger, mabilis itong nag-viral at umani ng pagmamahal mula sa netizens!
Hindi nagtagal, si Tatay Lando naman ang binuhusan ng blessings! Nakatanggap siya ng pera, groceries, bagong kutson, at iba't ibang gamit sa bahay bilang pahabol na birthday gifts. Sa simpleng pa-burger ni Tatay Lando, pinaalala niya sa atin na hindi kailangang maging mayaman para makapagbigay ng saya sa iba. Minsan, kahit maliit lang ang mayroon tayo, puwede pa rin itong maging malaking bagay para sa taong makakatanggap. Dahil sa huli, hindi nasusukat sa laman ng bulsa ang tunay na yaman, kundi sa laki ng pusong handang magbigay.@heyitsmemanica 72nd birthday ng kapitbahay ko. 🎉❤️ Barker siya at ang natanggap niyang ₱400 financial assistance, ginamit pa niyang pambili ng burger para ma-share sa amin. Maliit man ang halaga, pero malaking bagay ang pusong marunong magbahagi. Happy Birthday po, kuya lando! 🎂🙏 ♬ original sound - AikaFinds🧿🧿

