Copyright ©2026 LOVE RADIO
Viral ang isang mango graham cake na magara ang design!
Viral ang isang mango graham cake na magara ang design!
December 28, 2025

Ibang level na talaga ang pagiging creative ng mga Pinoy pagdating sa pagkain! Viral ngayon ang post ni Xavier Yanoria dahil sa kanyang Mango Graham cake na hindi lang basta masarap, over din sa effort ang presentation!

Sa picture na pinost niya, makikita mo agad na hindi lang basta-basta ang paggawa ni Xavier dito! Sa halip na basta na lang ikalat ang mangga, ginamitan ito ni Xavier ng petal cutters para makabuo ng mga pattern na hawig na hawig sa logo ng isang luxury brand! Dahil culinary graduate si Xavier, kinarir niya talaga ang pag-design para maging bonggacious ang kanilang holiday dessert.

advertisement

Siyempre, hindi pinalampas ng netizens ang pagpiyestahan ito! Marami ang nagsabing sinampal daw sila ng kahirapan ng dessert na ito at baka raw kailanganin pa ng credit card bago makatikim ng isang slice! May nagsabi rin na hindi niya raw alam kung kakainin niya o ipapa-frame.

Hindi mo aakalaing nahirapang pagkasyahin ang 500 pesos sa Noche Buena, eh! KIMMY!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...