Copyright ©2026 LOVE RADIO
Vice Ganda at Vic Sotto, magtatapatan sa pelikulang 'The Greatest Showdown'
Vice Ganda at Vic Sotto, magtatapatan sa pelikulang 'The Greatest Showdown'
July 7, 2026

It's Showtime, Dabarkads!

Sa wakas! Matapos ang ilang taong pagtatalbugan ng segments at pataasan ng TV ratings, bati-bati muna ang lahat dahil magsasanib-pwersa na sa kauna-unahang pagkakataon ang mga mukha ng Philippine noontime televisions na sina Vice Ganda at Vic Sotto sa pelikulang 'The Greatest Showdown!'

Usap-usapan sa netizens nitong mga nakaraang araw ang hints ng dalawang stars nang magparinig at magbatian sila sa kani-kanilang mga show.

Ginanap ang official announcement ng bagong pelikula sa isang mall sa Quezon City nitong weekend na dinumog ng mga madlang Pipol at Dabarkads! Dinaluhan rin ito mismo nina Bossing at ng Unkabogable Star, kasama ang award-winning director na si Jun Robles Lana.

Si Lana ang director ng mga sikat na pelikula, gaya ng “Call Me Mother”, “Die Beautiful”, “Ang Dalawang Mrs. Reyes”, at “Becky and Badette.”

Mapapanood ang 'The Greatest Showdown' sa mga sinehan ngayong taon!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...