advertisement
Madalas ko siyang dalawin, at hindi ko inaasahan na sa kulungan ko rin pala mararanasan ang isang bagay na hindi ko pa nararanasan dati pa. Hindi kasi alam ng asawa ko na may iba akong lalaki na kapwa niya ring preso. Nasa ibang selda lang naka-stay. Itago na lang natin ang lalaking ito sa pangalang “Jess.” Sa tuwing bumibisita ako sa asawa ko, ginagawan ko ng paraan para saglit na madalaw rin si Jess.
Sundan ang kuwento ni Iris dito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Umibig ako sa kapwa preso ng asawa ko - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Dear Titan Gelo at Raqi Terra,
Itago niyo na lang po ko sa pangalang “Iris,” at ito ang aking Secret File. Isa akong solo parent—may dalawa akong anak, at ang mister ko naman ay nasa kulungan. Nasintensyahan siya ng pagkabilanggo, at habang sinusulat ko ito, magtatatlong taon na siyang nakakulong.
