Copyright ©2026 LOVE RADIO
TJ Monterde, Arthur Nery, Maki, at iba pang OPM stars, magpapakilig sa Harana Music Festival
TJ Monterde, Arthur Nery, Maki, at iba pang OPM stars, magpapakilig sa Harana Music Festival
August 3, 2026

Hindi ka mapapasigaw ng 1,2,3 go kanya kanya na ngayong November 28, Kabisyo! Dahil sa araw na 'to, sabay-sabay tayong kikiligin sa Filinvest Events Grounds Alabang, Muntinlupa City, dahil sa Harana Music Festival.

Ang araw na ito lang naman ay isang selebrasyon ng beauty of simplicity at genuine na connection mula sa mga paborito nating OPM singers papunta sa'ting mga audience. Pasabog, right?!

Pangungunahan ni TJ Monterde ang panghaharana sa concert. Susundan naman siya ng mga OPM singers na sina Arthur Nery, Maki, Earl Agustin, Rob Deniel, Angela Ken, Nicolę, Toneejay, Syd Hartha, Clara Benin, at A!ka.

Available na ang tickets sa website ng Harana Music Festival, Kabisyo, kaya i-go niyo na 'yan bago pa mahuli ang lahat!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...