Bago matapos ang International Women’s Month, ang Pambansang Tita naman ang sinubukan nating gisahin sa sarili niyang mantika sa tulong ni Angkol Dagol!
Daig pa nga niya ang artista sa tindi ng character arc niya. Mula sa pagiging innocent church girl, naging TitamaX siya na kinahuhumalingan ng marami ngayon! Kinwento ni Tanya Chinita na nakatulong ang mga role niya sa Mga Katas ng Nakalipas para ma-discover ang sexy image niya, pero heartbreak talaga ang dahilan ng pagbabago ng persona niya. Nagparamdam nga raw ulit ang lalaking ’yon, pero sorry not sorry, sinaktan niya noon, maglaway siya ngayon! HAHAHA!
Dahil nga sa pagpapa-sexy niya, inakala ng iba na easy to get ang Pambansang Tita! Nakatanggap daw siya ng mga indecent proposal tulad ng 200K monthly allowance at 1 million per night. Oo, ganoon siya kasarap, pero hindi siya basta nasisilaw sa ganyan. Para sa kanya, hindi worth it kung walang attraction at connection. Isa pa, kaya niyang kitain ’yan sa sobrang in-demand niya ngayon. DUH?! Para naman daw kinarma si TitamaX nang tanungin siya tungkol sa wildest moment niya. Inamin niyang bininyagan niya raw ang brand-new SUV niya sa isang parking lot matapos ang basketball game. Mabango raw kasi ’yung lalaki, kaya hindi na siya nakatanggi! HUUUY!
Nag-iwan din si Tanya Chinita ng seryosong paalala sa mga babae, lalo na sa mga single mom. ’Wag daw matakot gawin ang mga bagay na magpapasaya sa inyo at ’wag masyadong magpaapekto sa sasabihin ng iba dahil sarili niyo lang din ang aasahan niyo. PERIODT!
advertisement

