Copyright ©2026 LOVE RADIO
Tanya Chinita, nag-jowa reveal na sa mama niya!
Tanya Chinita, nag-jowa reveal na sa mama niya!
May 19, 2025

Isang video na naman ang pinost sa YouTube Channel ng Love Radio Manila kung saan makikitang nagpapakilala si Tanya Chinita ng jowa sa mama niya.

Sobrang laughtrip ng video na 'to dahil ang mga otokong nalapitan ni Tita Tanya ay game na game na kausapin ang mama niya para sabihin na mahal na mahal nila si Titamax. Mayroon pa ngang handang pakasalan siya sa lahat ng simbahan! ANOTHER SANA ALL MOMENT! Hahaha!

advertisement

Lumabas na naman ang kakulitan ni Tanya Chinita sa panibagong episode ng Lovelaughan with Tanya Chinita nang mambiktima siya ng mga Kabisyong nakatambay sa kalsada! Isipin mo, nananahimik ka sa gedli, bigla ka na lang pinakilalang jowa ni Tita Tanya at pinakilala ka pa sa kanyang mama! Hahaha! Mapapakanta ka na lang talaga ng Bakit 'di na lang totohanin ang lahat? niyan!

Kung hindi mo pa napapanood ang video na 'to, eh, 'wag kang magpahuli sa mga Kabisyo! Feeling namin, ito na ang bubuo sa araw mo ngayong linggo! Wahaha! Char.

Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin lang na lagi kang nakatutok sa Love Radio Manila!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...