Dumaan na rin ba sa newsfeed niyo ang video ng isang estudyante na “tumatango” habang nasa online class? Over naman sa pagka-wild ang imagination ng netizens at napagkamalang may ginagawang “milagro” ang estudyante. Kesyo nag-bu-buko juice habang nasa klase. Ay, teka—bawal na ba mag-multitask ngayon? Charot with harot!
Umabot pa sa puntong kinailangan niyang sumalang sa isang public affairs radio program para linisin ang kanyang pangalan. Paliwanag niya, “Nag-agree po ako sa sinabi ng kaklase ko kasi tama po ’yung sagot niya base sa search ko.” Recitation daw nang mangyari ang nasa video. Tsk! Malinis naman pala ang intention, pero ang dumi ng interpretation. Hahaha!
Ang nakakalurkei riyan, may ilan pa ring nagsasabing palusot lang daw ito ng estudyante. Pero kung ang mga paborito niyong mga Kabisyo kaya ang nasa sitwasyon niya, ano kaya ang mga sasabihin nila?
Angkol Dagol: Nakikinig ako ng song ng Metallica kaya ako nag-he-headbang!
Conyo Bicolano: Headbang lang kasi you sound like an angel sa’kin. Napapasayaw ako every time I make dinig your voice. Hahaha!
Mara Tonee: Nag-he-head exercise lang ako! Haha!
Kim Chino: Tatawa na lang ako. Wala naman akong mata ’pag tumatawa. ’Di ko na siya mapapansin!
Raqi Terra: Sa sobrang gutom ko, nag-grate ako ng cheese para ilagay sa toppings ng spaghetti ko. Haha!
Titan Gelo: Nauubo lang ako habang nakikinig ng online class.
Dito mo talaga malalaman kung sino ang sanay maghugas-kamay. EME! Pero bakit nga ba gano‘n, ’no? ‘Pag nanahimik, guilty. ‘Pag nagsalita, hindi naman paniniwalaan. Hindi na malaman ni Ate Girl kung saan siya lulugar!
Gayunpaman, paalala lang na ‘wag basta nagpapakalat ng mga haka-haka na puwedeng makasira ng reputasyon ng ibang tao. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

