Copyright ©2026 LOVE RADIO
Tanya Chinita, may kaya raw gawin na hindi kayang pantayan ng AI
Tanya Chinita, may kaya raw gawin na hindi kayang pantayan ng AI
September 24, 2026

Narinig niyo na ba ang bali-balita na kaya raw tayong patayin ng artificial intelligence pagsapit ng 2030? Medyo nakakatakot pakinggan, pero ’wag kayong mag-alalala. Tinanong namin ang ChatGPT at Google Gemini, fake news daw. Hahaha! Charot with harot!

Sa bilis kasi ng pag-unlad ng AI, kaya na nitong gumawa ng kung anu-anong bagay na dati, akala natin, tayo lang ang makakagawa. Kaya naman, naisip naming tanungin ang paborito niyong mga Kabisyo at hindi naman sila nagpatalo!

Diego Bandido: My unpredictable rawness kasi isang bagay na wish ng isang AI ay maging human that is according sa isang research ng sinubukang tanungin ang AI kung ano ang gusto niya. Hehe! Higit sa lahat, may relationship ako kay JESUS. AI, waleyyy! Hahahaha!

Titan Gelo: ’Yung magsarili at mahanap ang tunay na kaligayahan na hindi artificial!

Conyo Bicolano: Ang maging martir and I, thank you!

Raqi Terra: Ang magpadede ng anak ko. Hahaha! Charot with harot!

Kim Chino: ’Di kaya ng AI ’yung magmahal sa maling tao. Expert ako ro’n! Baka mauna pa siyang mamatay kapag nakipagtalo pa siya sa’kin!

Mara Tonee: Mag-joke!!! Puro waley ang joke ng AI! Hahaha!

Tanya Chinita: Hindi niya kayang tumae, umihi, bumembang, at kumiss ng passionate! Hahahahaha!

Angkol Dagol: Mag-DIY sa bahay.

Kung sakaling dumating ang panahon na maagaw ng AI ang ilang trabaho natin, at least alam natin kung saan tayo may lamang. Kaya nga nitong mag-compute, mag-code, at sumagot sa halos kahit anong tanong, pero kasing-sarap niya ba si TitamaX?! HUUUY! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...