Due to insistent public demand, makikilala niyo na ang isa sa mga “Ex” sa buhay ni Tanya Chinita. Bago niyo pa busisiin kung ano ang tipo ng Pambansang Tita, “Ex” as in “Ex Badilla” kasi ang pangalan niya! Siya lang naman ang isa sa mga bumuo ng TitamaX. Kaya sa mga basher ni Tanya Chinita, pakidamay na rin siya sa pagpuksa. Eme!
Kilala rin siya sa tawag na “Nadine.” Hindi Lustre, hindi Samonte, kundi Nadine-gue. Hahaha! Espesyal sa Pambansang Tita ang katrabaho niyang ito dahil isa siya sa mga nakaka-“deep truth” niya. Tulad ni Ex, para rin daw beki kung magmahal si Tanya Chinita. Ubos pati pantubos. Ganurnt! Magaganda at makikinis lang ang mga ’yan, pero pagdating sa pag-ibig, sabihin na nating hindi sila katalinuhan. ’Chos!
Akala niyo, wild na si Tanya Chinita?! Walang sinabi ’yan sa kapilyuhang taglay ni Ex. Bata, matanda, may ngipin, o wala, lahat yata tinikman ng acclang twoah! Kung AFAM ang target market ni TitamaX, itong si Ex naman ay naniniwala sa kasabihang, “Tangkilikin ang sariling atin.” Maliit man daw, mas matigas at mas palaban pagdating sa bakbakan! Baka Pinoy pride ’yan?!
Kanino pa ba hihingi ng words of wisdom ang beki kundi sa ka-pederasyon niya, ’di ba?! Nahanap na raw ng Titamax confession sender nating si Celine ang “the one” niya, pero in-elbow naman daw siya ng mga magulang niya dahil hanggang ngayon, hindi nila matanggap ang pagkatao niya. Hays! Maiinggit na sana si Ex, pero bigla yatang may tumagos sa kanya!
Bilang dating scriptwriter ng paborito niyong podcast, pinatunayan ni Ex ang “Usapang sagad, marami ang nalalantad” sa Tough 5 questions sa kanya ni Tanya Chinita. Alam niyo bang may hidden talent siya? Sa unang tingin pa lang daw ay kaya niyang tukuyin kung “daks” o “juts” ang lalaking kaharap niya. Hindi naman siya madamot dahil nagbigay siya ng ilang tips na siguradong makakatulong sa inyo! S*x education pala ang episode na ‘to, kaya baka may mapulot kayo:

Tanya Chinita, may “Ex” na beki? | TitamaX Episode 22
