advertisement
Kinakalunan ay hindi na rin kinaya ng dalawa ang pagpapanggap at bigla na lang bumunghalit ng tawa sabay sabing, "It's a praaaaank!!!" HAHAHA!
Jusko, pangalawang beses na 'to! Kung maaalala niyo, eh, pinrank na rin natin dati si Angkol Dagol bilang pag-we-welcome sa kanya sa Love Radio Team. Ang hirap naman mag-celebrate sa pamilyang 'to! Paiiyakin ka muna! HAHAHA!
Kung hindi mo pa napapanood ang mga video na 'to, aba, eh nahuhuli ka na sa balita! Sugod na sa YouTube Channel ng Love Radio Manila para manood ng mga nakakalurkei na game, chikahan, kulitan at prank!
Para sa iba pang chika at nakakalurkei na balita, tambay ka lang dito sa 90.7 Love Radio Manila!
Tanya Chinita, mag-re-resign na sa Love Radio! Angkol Dagol, umiyak?!
Huling-huli na naman ni Nicole Hyala at Tanya Chinita ang kaba ni Angkol Dagol dahil sa prank na ginawa nila noong nakaraan bilang bahagi ng birthday suprise sa kanya!
Dahil nga nag-birthday ang ating super loyal na Angkol, naisipan siyang pag-tripan ng Pambansang Tita at Kumikinang Ina habang sila ay naka-programa. Ang siste, dumating si Nicole Hyala para ibalita sa dalawa na paghihiwalayin na sila at ililipat sa ibang timeslot ang isa. Itong Tita Tanya natin, siyempre, hindi rin magpapakabog! Sumama kuno ang loob kay Nicole Hyala, nagbantang mag-re-resign siya with matching pagtulo ng luha! HAHAHA!

