Sinong papalag kay Tanya Chinita sa bunong braso riyan? Libre niya na kiss ’pag nanalo ka sa kanya. ’Chos!
’Singnipis man ng lapis ang braso ni TitamaX, alam niya naman ang kahinaan ng mga lalaki kaya ’wag kayong makampante.
Kung si Angkol Dagol nga, hindi nakapalag sa power move ni Tanya Chinita, ikaw pa kaya? Eh, iisa lang naman ang hilatsa niyong mga babaero. HUUUY!
Nagulat na lang ang self-proclaimed PrayBoy natin na nawala ang tigas ng braso niya at sabi sa comment section, nalipat daw kasi ito sa— Kayo talaga!
Sa mga babae riyan, subukan niyo na nga ang tip ni TitamaX sa mga jowa niyo para malaman natin kung effective ba talaga!

