advertisement
Diego Bandido: Hmm... Una, baka tubuan ako ng buhok doon. Hindi ko kasi sure kung puwede ang shaver doon sa loob. Pangalawa, dapat madami akong supply ng maintenance ko—13 meds kasi ako a day. At pangatlo, hindi ako puwede sa loob kasi wala nang bubuLOVEbog sa inyo sa umaga..... Aaaahhhhhh! 🤣
Kim Chino: Malakas ako humilik. Baka ma-force evict ako!
Angkol Dagol: ‘Di ako puwede pumasok sa Big Brother House kasi baka may mahumaling!
Mara Tonee: Kasi wala silang track and field! Hindi ako makakatakbo.
Raqi Terra: Kasi baka ako lang ang umubos sa pagkain ng housemates gawa ng gutom ko as a breastfeeding mom at dapat kasama anak ko sa loob ng Bahay ni Kuya. Hindi na lang ako papasok kung ‘di siya kasama!
Tanya Chinita: Lagi akong inaantok at antisocial. HAHAHA!
Conyo Bicolano: Dahil feeling ko, ‘di ko kakayanin ang walang ja-coke——‘yung mixture na alak at soft drinks, ‘di ba? Eh, s’yempre, alam mo na… bawal ang shot shot sa Bahay ni Kuya!
Nicole Hyala: Kasi ang ambag ko lang ay kwento. Hahahaha! Lampa ako. ‘Di rin ako tagaluto. Tagakain lang.
Titan Gelo: Ayaw ko pumasok dahil baka makita sa National TV ang pagiging chickboy ko!
Hindi talaga sila puwedeng pumasok sa Bahay ni Kuya dahil hindi na natin sila mapapakinggan. Baka i-vote to evict pa natin sila para lang makalabas na sila. Charot lang! Kaya tandaan natin mga Kabisyo, hindi naman nating kailangang pumasok sa Bahay ni Kuya. Sapat na ang hamon ng buhay dito sa labas ng bahay para matuto, magpakatao, at magpakatotoo. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic! 
Tanya Chinita, hindi raw pwedeng pumasok sa Bahay ni Kuya?!
Knock! Knock! Magbubukas na ang bagong Bahay ni Kuya at naghahanap siya ng mga bagong housemates para sa Pinoy Big Brother Collab 3.0. Hep, hep, hep! Pahinga muna sa mga artista ng GMA-7 at ABS-CBN ang Bahay ni Kuya sa edition na ito dahil muling magbubukas ang mga pinto nito para sa mga ordinaryong Pilipino.
Nakapaghanda na ba kayo ng audition video? Handa na rin ba kayo sa mga hamon ni Kuya at sa pagpapakatotoo, true ba? Sa dinami-daming susubok na makapasok sa Bahay ni Kuya, ano kayang hanap niya sa mga bagong housemates? Napatanong tuloy kami sa mga paborito nating Kabisyo kung bakit hindi sila puwedeng pumasok sa bahay ni Kuya.

