Kumusta naman ang pagsalubong niyo ng 2026, Kabisyo? Nakapag-post na ba kayo ng 2025 recap, media noche, at prosperity bowl niyo? Naku! Kailangan ’yan para sigurado na ang swerte niyo ngayong taon. Charot with harot!
Isa sa mga pinaniniwalaan tuwing New Year ay ang pagtalon para raw tumangkad. Pa-legit check naman sa mga nabiyayaan ng height d’yan. May pag-asa pa rin bang tumangkad kahit trenta pataas na? Hahaha!
Kung totoo mang nakakapagpahaba ng biyas ang pagtalon pagsapit ng Bagong Taon, maliban sa height, ito raw ang gusto pang pahabain ng paborito niyong mga Kabisyo!
Angkol Dagol: Gusto kong humaba ang pasensya ni Junjun.
Tanya Chinita: Listahan ng nabayaran kong bills at listahan ng nauto kong lalaki. Hahaha!
Conyo Bicolano: Gusto ko pang pahabain ang buhok ko para mas healthy tingnan. Kasi ’di ba sabi nila, mas makapal, ibig sabihin mas healthy. Buhok sa taas, ha?!
Diego Bandido: Basic! Ang bangs ko para astig! Maiba naman. Well, kidding aside, ang dapat habaan pa ay ang pasensya. Kailangan natin ’yun sa napakagulong mundo ngayon!
Kim Chino: ‘Ti’ ko po... tiwala sa mga tao.. para umibig ulit… HUUUYYY!
Titan Gelo: Maliban sa height, pahabain sana ang tulog at bakasyon. Nakakapagod din maging adult, ha?
Kung nasamaan kayo sa ugali ni Titamax ngayong 2025, ’wag kayong mag-alala dahil sasamaan niya pa lalo ngayong 2026. Hindi niyo siya maloloko dahil uunahan niya na kayo. EME! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Tanya Chinita, gusto raw ng MAS MAHABA ngayong 2026?!
